• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiray Celis, gustong magtagal ang relasyon sa kanyang first boyfriend: 'Ayaw ko ng paiba-iba'

Kiray Celis, gustong magtagal ang relasyon sa kanyang first boyfriend: 'Ayaw ko ng paiba-iba'

Nag-aadjust pa din daw si Kiray sa kanyang unang karelasyon, na siya ring business partner niya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/15/2018 3:44 PM
Kiray Celis, gustong magtagal ang relasyon sa kanyang first boyfriend: 'Ayaw ko ng paiba-iba'


Photo credit: @kiraycelis on IG

So far, ayon  kay Kiray Celis ay hindi pa naman daw sila nagkakaroon ng matinding away ng kanyang non-showbiz boyfriend. Ito ang ibinahagi ng singer-actress sa interbyu ng PUSH sa kanya.

“Siguro yung sa business lang. Ang hirap kasing i-set aside ng pagiging business partner  sa magkarelasyon. Na parang minsan, gumagawa siya ng desisyon  na,  ‘teka lang naman, hindi mo ako business partner, girlfriend mo ako.’ Alam mo yung ganun? Pero wait lang, pareho lang pala.

“Mahirap kasi parang… ang hirap palang maging katrabaho ng, hindi man sa showbiz pero sa venture na 'yon siya ang mas may alam kaya ngayon natuto na ako. Kasi nung una, kuda ako nang kuda. ‘Hindi dapat ganito, hindi dapat ganyan.’

“Eh, wala naman  talaga akong alam sa business dahil kakapasok ko pa lang, so hinayaan ko na siya.  ‘Okey, sabihin mo lang sa akin kung anong maitutulong ko. Sabihin mo sa akin kapag kailangan mo ng payo ko, or ng yes or no ko, or ng mga naiisip ko. Pero kapag hindi ko kailangan, hindi natin kailangang pag-awayan.’

“Ganun ako ngayon. Nung una kasi pakialamera ako, pero wala namang alam.  Pa-bibo ako nung una,” ang dire-diretsong kuwento ni Kiray tungkol sa maliliit na issues na pinagdadaanan nila ng boyfriend.


Hanggang ngayon nga raw ay parang nag-a-adjust pa rin siya dahil nasanay siyang single pero ngayon  ay in a relationship na.

“First naman kasi. Ang hirap. Sobrang  hirap ng first,” bulalas niya.

“Kasi sobra akong magmahal. Gusto  ko kasi  na… hindi naman  sa gusto ko na siya na yung last, pero ayoko kasi ng paiba-iba. Ang hirap kasing kilalanin ng isang tao.

“Yung pag naghiwalay kayo nito, may kikilalanin ka na naman. Alam mo yon, paulit-ulit na naman.  Yung pinaghirapan at yung matagal na pinagdaanan n’yo itatapon lang ng ganun lang kadali, so ayoko ng paiba-iba. Gusto ko pag siya na, siya na,” paliwanag ni Kiray.

Patuloy pa niya, “Kaya mini-maintain ko yung parang okay kami, na kung  ayaw niya ng ganito, eh, di sige, parang ganyan.”

Eh, paano naman tinanggap ng mommy niya ang first  boyfriend?

“Well, siyempre, hindi sanay si mama dahil ang feeling kong nasa isip niya pamilya, so hindi sanay si mama na mabo-boyfriend na ako. Saka hindi siya sanay na lumalabas na akong mag-isa. Pero okay naman sila,” tugon niya.

Nilinaw din ng aktres na wala pa sa isip niya ang magkapamilya agad.

“Hindi pa puwedeng mabuntis, hindi pa puwede. Marami pa akong… Sabi ko sa kanya, pag nag-baby kami gusto turning 35 na ako. I’m 22 now. Gusto kong ma-enjoy ko muna yung buhay ko  kasi ngayon pa lang  nag-i-start ang life ko. Ngayon ko pa lang nai-explore ang mga bagay-bagay,”  huling pahayag ni Kiray sa interbyu ng PUSH.