• Home
  • Fresh Scoops
  • Dan Villegas gusto maka-trabaho muli sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino

Dan Villegas gusto maka-trabaho muli sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino

Kumita na ng lagpas 300 million pesos ang movie ni Dan Villegas na 'Exes Baggage' na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/15/2018 8:39 AM
Dan Villegas gusto maka-trabaho muli sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino


Lagpas 300 Million pesos na ang kinikita ng “Exes Baggage” na pinagtambalan nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

Walang pinakamasaya dito kundi ang kanilang direktor na si Dan Villegas, na aminadong first time makaranas ng isang box office blockbuster.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Still showing in over 160 cinemas 🖤 naka move on ka na ba?

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

 

“Seryoso ba ito? Sorry ha first time (laughs) first time eh oh my god! Overwhelmed ako sa totoo lang, overwhelemed ako!” sabi ni Direk Dan sa aming panayam.

Wish din niya na masundan ito kaagad ng isa pang CarGel movie.

“Wala pa naman po, pero sana kung meron man kunin nila ako ulit kasi I love working with them,” dagdag pa niya. 

Sa pelikulang kalahok naman sa 2018 QCinema International Film Festival, isa dito ang “Hintayan Ng Langit” na idinirek din ni Direk Dan na pinagbidahan ni Eddie Garcia at Gina Pareño.

“Tungkol po siya sa dalawang souls na nagkita sa purgatory, kasi di ba kapag kinasal ka ang promise mo till death do us part? So paano yun kung may iba ka minahal? Ayun po,” kwento ni Direk Dan tungkol sa kanyang film entry.

Magsisimula ang QCinema sa October 21 Hanggang October 30.