• Home
  • Fresh Scoops
  • Catriona Gray proud sa bagong journey ni Miss World PH Katarina Rodriguez

Catriona Gray proud sa bagong journey ni Miss World PH Katarina Rodriguez

Parehong ‘cross-over’ beauty queens sina Katarina Rodriguez at Catriona Gray.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/15/2018 8:56 AM
Catriona Gray proud sa bagong journey ni Miss World PH Katarina Rodriguez


Photo credit: @miss2mister3/ @catriona_gray on IG

Proud si 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray para sa bagong journey ng kanyang kapwa beauty queen na si Katarina Rodriguez.

Si Katarina ang kinoronahan na 2018 Miss World Philippines, na isa din ngayon sa mga crossover beauty queens na gaya din ni Catriona. 

Matatandaan na 2016 unang kinoronahan si Catriona bilang Miss World Philippines bago ang  muling pagsabak niya ngayon sa inaabangan na Miss Universe 2018.

 

“I’m really happy for Katarina and the new batch of Miss World Queens, I didn’t get to watch the show but I have no doubt that they performed amazingly and  I think they represent us really well,” pahayag ni Catriona.

“I always support a girl who wants to continue dreaming, if being an international beauty queen is their dream, then by all means take every avenue to get it,” sabi pa niya. 

Samantala, sa kanyang Miss Universe journey naman, unti-unti na din ang kanyang pahahanda para sa nalalapit na laban na gaganapin sa Thailand ngayong November.

Kuwento ni Cat, nagkakasama sila kamakailan lang ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach pero hindi nila napagusapan ang beauty pageant. At kung mabibigyan ng pagkakataon, may nais  daw itong itanong ni Cat kay Pia.

“I guess it would be, when was the moment during the competition that you felt was your lowest, what was the most demanding moment, and if you were to go back to give yourself advice, what would it be?” saad pa niya.