• Home
  • Fresh Scoops
  • Suklay Diva Katrina Velarde, hindi inasahan ang impact ng viral videos

Suklay Diva Katrina Velarde, hindi inasahan ang impact ng viral videos

Mas mahirap daw gumaya ng local artists ayon kay Suklay Diva Katrina Velarde.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/14/2018 11:04 AM
Suklay Diva Katrina Velarde, hindi inasahan ang impact ng viral videos


Photo credit to: @manilagenesis IG

courtesy : Katrina Velarde YouTube channel

 

Ito ang ilan sa mga nag-viral na video post ng Suklay Diva na si Katrina Velarde sa social media.

Plakadong plakado ang tunog ng international performers na magkakasunod niyang ginawa.

 

 

“Masaya ako eh at natutuwa ako at hindi lang Pinoy ang nakaka-recognize ng ganoong way ng pagkanta yung pag-impersonate nga po. Kasi kapag gumawa ako ng videos hindi ako nag-expect ng anything. Ganoon po talaga ako hindi ako nag-e-expect,”

Kuwento ni Katrina, hindi niya inasahan na magba-viral ang kanyang mga videos na katuwaan lang noong kanyang i-upload.

“Minsan kung ano ang ‘di mo inaasahan na magba-viral yun pa talaga ang mapupunta sa iba-ibang bansa kaya masaya ako,”

Pero ayon sa kanya mas pressured siya sa pag-gaya ng local performers.

“Actually iniisip ko yan matagal na! Si Zsa Zsa (Padilla). Si Sarah (Geronimo). Si Regine (Velasquez). Sino pa ba pwede? Si Kyla. Jaya. Sino pa ba pwede? si Toni Gonzaga pwede! Kung may ma-explore pa ako ibang boses pero feeling ko mas mahihirapan ako gayahin ang mga boses ng nandito sa Pinas hindi ko alam kung bakit,”

Naghahanda si Katrina sa pagsisimula ng isang international career na hindi niya pwede i-detalye sa ngayon.