Jake Cuenca inamin na crush si Erich Gonzales

Jake Cuenca inamin na ‘crush na crush’ si Erich Gonzales habang ginagawa ang ‘The Blood Sisters’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/14/2018 9:54 AM
Jake Cuenca inamin na crush si Erich Gonzales


Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Los Bastardos star Jake Cuenca na naging crush niya si Erich Gonzales. “I really really had a crush on her while doing [The] Blood Sisters.” 

Nang tanungin kung bakit hindi niya tinuloy i-pursue ang aktres, ang sagot ni Jake ay, “Mas naging priority ko naman maging mabuting leading man sa kanya kahit kontrabida ako sa show.” 

Paglalahad pa ni Jake, “Kung mapapansin ninyo, matagal na akong hindi nagde-date ng artista. There’s a reason for that. I realized that I don’t want to mix business with pleasure.” 

Paliwanag pa ng actor tungkol dito, “kung gustong-gusto ko talaga hindi din naman ako mapipigilan e. At that time I was given the opportunity to work, it was a very challenging role for her. Yung mas nangibabaw sa akin, kahit kontrabida ako dito maging mabuting leading man ako sa kanya.”

Mahirap din daw noon pagsabayin ang pagiging kontrabida habang sa totoong buhay ay may crush siya kay Erich. “Hirap. Marami akong prinoproseso at that time.”

Kwento pa ni Jake, kinabahan siya kamakailan kasi nag-message si Erich sa kanya na maunuod ito ng play na The Lungs kung saan isa siya sa mga bida. “Kinabahan ako. She messaged me because she was going to watch the play.” 

READ: Stage acting bagong challenge para kay Jake Cuenca