Markus Paterson, naaksidente at nanakawan

Markus Paterson, nagkaroon ng motorcycle accident at nanakawan.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/13/2018 3:06 PM
Markus Paterson, naaksidente at nanakawan


Photo credit: @markus IG

Sa ulat ng TV Patrol, naaksidente ang 18-year-old na si Markus Paterson matapos nitong sumalpok sa concrete barrier habang minamaneho ang kanyang motorsiklo. Nakilala si Markus nang maging finalist siya sa Pinoy Boyband Superstar.

READ: EXCLUSIVE: Pinoy Boyband Superstar finalist Markus Paterson still planning to pursue a showbiz career

Umiinda ng sakit si Markus habang pinapatawan siya ng first aid. Ayon sa first-aider, “May nakikita tayong deformity dito sa right leg niya. Possible nabali pero need to conduct x-ray po.”

Ayon naman sa mga nakakita sa aksidente, “Wala po siyang ilaw. Ang bilis ng patakbo. Bumaliktad pa nga po siya. Lumipad ang sapatos pati helmet natanggal.”

Ayon pa sa ulat, sinakay si Markus ng tatlong lalaki nang makita nilang naaksidente ito sa Roxas Boulevard exit road. Pero ayon sa ulat ninakawan daw si Markus ng gamit kaya hindi nito agad nakausap ang pamilya niya. “I didn’t see the barrier. Yung mga taong nakapulot sa akin, kung sino man sila, nasa kanila yung wallet ko,” ani Markus.

WATCH: Pinoy Boyband member na si Markus Paterson, naaksidente matapos sumalpok sa barrier ang minamanehong motorsiklo