• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson aminadong nainggit sa bagong movie ni Bea Alonzo

Gerald Anderson aminadong nainggit sa bagong movie ni Bea Alonzo

Ibinahagi ni Gerald na masaya siya para sa girlfriend na si Bea Alonzo

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/13/2018 9:37 AM
Gerald Anderson aminadong nainggit sa bagong movie ni Bea Alonzo


Todo supporta ang aktor na Gerald Anderson para sa bagong pelikula ni Bea Alonzo na First Love.

Kuwento ng aktor, isa siya sa mga excited para kay Bea na makakasama sa isang proyekto ang primyadong aktor na si Aga Muhlach.

“Nakaka-excite, ang ganda trailer pa lang. sabi ko nga sa kanya naiingit ako sa kanya, kasi nga nakasama niya si Aga Muhlach e pangarap ko din yun,” sabi ni Gerald.

Tulad ng mga fans ni Bea, isa din si Gerald sa mga nag-aabang sa bagong proyekto ng Star Cinema.

“Mayroon tayong dalawang malaki at magagaling na artista sa pelikula na sure hindi palalagpasin ng tao,” dagdag pa ng aktor.

Bukod sa suporta kay Bea, naghahanda na din sa kanyang nalalapit na bagong telerserye.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Never stop dreaming 🎥 ..

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

 

“Yes, start na kami ng training and alam naman ng marami na medyo malapit sa puso ko ang military. Excited ako and alam ko po ang pinagdadaanan nila, mga kuwento nila, mga pinagdadaanan ng pamilya nila na, dito po nila mapapanood sa Take Life,” kuwento pa niya.

Kung ilalarawan naman ang bagong kuwento sa kanyang mga naunang Kapamilya teleserye, ibang iba din daw ito sa mga nagawa na niya.

“Iba 'yung Tayong Dalawa na hanggang ngayon hindi pa rin makakalimutan 'yun, lalo na ang mga military, dahil marami po ang sumali sa military dahil sa show na 'yun. Sana itong Take Life magkaroon kami ng ganong effect sa tao pero story-wise, magkaiba siya. Lalo na na mas focus ito sa sundalo, kung ano ang mga pinagdadaaanan nila,” pahayag pa ni Gerald.