• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin kinabahan sa unang eksena kasama si Maricel Soriano

Angel Locsin kinabahan sa unang eksena kasama si Maricel Soriano

Ikinuwento ni Angel Locsin kung gaano ka-professional si Maricel Soriano.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/13/2018 9:51 AM
Angel Locsin kinabahan sa unang eksena kasama si Maricel Soriano


Photo credit to: @maricelsoriano IG

Ibinahagi ni Angel Locsin ang kanyang experience sa unang beses niyang naka-eksena ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa The General’s Daughter.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Radiate positive vibes #SagadanSaSagada (📸 @bubblesparaiso )

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

 

"Unang eksena ko, si Ms. Maricel ang ka-eksena ko (laughs),” kuwento pa ni Angel. 

At dahil unang beses na magkasama. aminado si Angel na kinabahan siya sa naging eksena nila.

“Sobrang kabado ako kasi si Ms. Maricel ala-siyete ang call time, alas-kuwatro, nangagatok na siya sa mga kuwarto. Ganoon siya ka professional," sabi pa ng aktres.

Hanga din aktres sa naging performance ni Maria na laging on time na dumarating sa set.

“On time siya palagi and she’s very professional. Ang galing pa din niya and wala pa din siya kupas and she's very supportive sa amin,” pahayag pa ni Angel.

Sa ngayon inaabangan na ang nalalapit na pagsisimula ng The General’s Daughter sa ABS-CBN.