All set na ang kandidata ng Pilipinas para sa 2018 Miss International Pageant na si Maria Ahtisa Manalo.
Sa send-off party na idinaos ng Binibining Pilipinas kahapon, October 12, inilarawan ng 21 year-old candidate ang kanyang nararamdaman para sa nalalapit na laban.
“Konting nerbyos but I’m more excited, because I know that I prepared a lot of things here and when I’m there na, I just relax, do my things and talk to many people na,” sabi ng 2018 Binibining Pilipinas International.
Ikinuwento din ni Ahtisa ang ilang tips na kanyang nakuha mula sa former Miss Internationals.
“Always be on time! Because the Japanese, they’re really specific sa time, so that’s one thing they told me just be on time always,” sabi pa niya.
Bukod dito, ipinagmalaki din ni Ahtisa ang national costume at evening gown na susuotin niya na gawa ng world-renowned Filipino fashion designers.
“My national costume is inspired by the Subanon tribe from Mindanao, it’s by Amir Sali. And my evening gown is by Micheal Cinco, he told me not to share anything (about it) but it would be bongga,” masayang pahayag pa ni Ahtisa.
Sa November 9 gaganapin ang 2018 Miss International Beauty pageant sa Tokyo Dome, Japan at kung papalarin si Athtisa, siya ang magiging pang pitong Pinay na kokoronahan bilang Miss International