• Home
  • Fresh Scoops
  • Neil Coleta, binalikan ang friendship nila ni Daniel Padilla

Neil Coleta, binalikan ang friendship nila ni Daniel Padilla

Neil Coleta, binalikan ang ‘spark’ na nakita niya kay Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/12/2018 9:47 AM
Neil Coleta, binalikan ang friendship nila ni Daniel Padilla


Sa Tonight with Boy Abunda, nagkuwento si Neil Coleta sa pagkakaibigan nila ni Daniel “DJ” Padilla simula ng makilala niya ito sa sa teen anthology drama series noong 2011 na Growing Up

Ayon kay Neil, makulit na noon si Daniel. “Sobrang bagets pa (ni DJ) di ko alam na makulit din pala siya,” sabi ni Neil. Dagdag pa niya tungkol kay DJ, “Since Growing Up, ako yung unang naging ka-close niya. Ako yung kuya-kuya niya. Sabi ko nga si DJ since then, hindi nagbago sa akin.”

Nang tanungin naman kung nakitaan na niya noon ng “kakaibang relasyon” ang onsceen and off screen couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel, sagot ni Neil ay, ”Wala e. that time focus si Kathryn sa work. Nun sa set di sila nagpapansinan pa, so lagi ko silang binubuyo.”

Matatandaan na nitong 2018 lang inamin ni Kathryn and Daniel ang five-year long relationship nila. 

READ: Daniel Padilla and Kathryn Bernardo admit to being in a more than five year relationship

Aminado si Neil na inaasar na niya noon si Kathryn at DJ sa isa’t isa dahil daw, “For the love team din.” Pero obserbasyon daw ni Neil, “nung tumatagal yung taping namin, sabi ko nga parang may spark tong dalawang ‘to. Kahit ako kinikilig ako e.” 

Nagkita rin daw sila ni Daniel noong ABS-CBN Ball 2018 at sinabi sa kanya ni DJ na, “Alam mo brad pinapanuod ko yung Growing Up lately. Alam mo ikaw yung unang naging kaibigan ko, ikaw yung naging malapit sa akin, di ko makakalimutan yun.” 

Sagot naman daw ni Neil kay DJ ay, “Sabi ko DJ ikaw pa rin yan, di ka pa rin nagbago.”