Gary Valenciano pinaghahandaan na ang pagbabalik concert

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/12/2018 10:20 AM
Gary Valenciano pinaghahandaan na ang pagbabalik concert


Photo credit: @manilagenesis on IG

Balik concert stage sa darating October 13 si Mr. Pure Energy Gary Valenciano bilang pagpapatuloy ng kanyang 35th year anniversary celebration.

 

"Ito na, tuloy na tuloy na. Actually naumpisahan na namin ito before my surgery, pero this time, imbis na magpunta lang ako sa mga universities para mag-perform, ang gusto ko sana gawin this time ay makilala ko pa 'yung mga estudyante," kuwento ni Gary.

Ito na ang muling pagsabak ni Gary sa isang concert matapos ang mga pinagdaanan sa kanyang kalusugan.

Ayon kay Gary todo pag-iingat pa din siya ngayon.

"Nakabalik na ako sa pag-bike as part of my exercise. Kaya lagi na ulit may bike sa sasakyan ko as part of my exercise for my heart. And siyempre sumusunod pa rin tayo sa mga advice ng ating mga doctors na nag-aalaga sa atin," sabi pa ni Gary.

Matapos ang sa nalalapit na concert, sa sabado sa Xavier Sports Center sa Greenhills, San Juan, plano din ni Gary na umikot sa buong Pilipinas para ilibot ang University tour sa buong Pilipinas.

Bukod sa concert abala din si Gary sa pag promote ng bagong album na Awit at Laro.