• Home
  • Fresh Scoops
  • Fans umapila kay Jerrold Tarog na huwag 'bikini' ang 'Darna' costume ni Liza Soberano

Fans umapila kay Jerrold Tarog na huwag 'bikini' ang 'Darna' costume ni Liza Soberano

Sinagot ng bagong direktor ng 'Darna' na si Jerrold Tarog ang hiling ng fans tungkol sa costume ni Liza Soberano.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/12/2018 8:32 AM
Fans umapila kay Jerrold Tarog na huwag 'bikini' ang 'Darna' costume ni Liza Soberano


Ilang araw pa lang na inanunsiyo ang pagpapalit ng direktor ng much-awaited Star Cinema movie na 'Darna,' binaha na ng comments ng mga fans ni Liza Soberano ang Twitter ng bagong direktor nito na si Jerrold Tarog. 

READ: Director Erik Matti to Star Cinema and Darna’s new director: ‘I wish you all the best for this project’

Isa sa mga naging concern ng mga netizens ay ang costume ni Liza sa pelikula dahil baka daw baguhin ni direk Jerrold ang 'warrior image' na una nang sinabi ng former 'Darna' director na si Erik Matti. 

Sinabi pa ng isang tweet na sana daw ay huwag gawing 'chippy-chippy' o cheap ang magiging costume ng aktres. 

Hindi naman nagatubiling sumagot ni Direk Jerrold at sinabing gagawin niya ang makakaya niya sa bagay na to. 

Marami pang fans ang nagkomento sa Twitter ng director at sinabing sana ay gawin niyang kasing ganda ng kanyang mga past films tulad ng Goyo: Ang Batang Heneral at Heneral Luna ang kalalabasan ng pelikula na isang taon nang hinihintay ng mga manonood.