Rosanna Roces hangad ang kalayaan ni Bong Revilla

Pagpapatawad din ang naging tema ng usapan kay Rosanna Roces sa press conference ng ‘Los Bastardos.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/11/2018 9:00 AM
Rosanna Roces hangad ang kalayaan ni Bong Revilla


Photo credit: ABS-CBN News (L)

Malaking pagbabago ngayon ang ibinahagi ng aktres na si Rosanna Rocess na kasama sa bagong Kapamilya teleserye na Los Bastardos.

Kuwento ni Osang sa naganap na media conference ng Kapamilya series, nag-mellow down na siya sa pagiging mataray, kung saan siya nakilala noon.

“Since nagkaka-edad ka, naiisip mo na mali pala ‘yung ginawa ko dati, pero siyempre yun ang tama sa’yo noon, lahat kaaway mo. Pero pag nagkaka-edad ka na pala talaga, nag me-mellow ka sa ayaw at sa gusto mo,” kuwento pa ni Rosanna sa press.

Paliwanag pa ng aktres, isa sa malaking dahilan ng kanyang pag-mellow down ngayon ay ang apo na si Gabriel Revilla, na anak ni Jolo Revilla sa kanyang anak na si Grace Adriano.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy 13th Bday sa Pinakamamahal kong apo. Enjoy your day Gab ! Love you no end

A post shared by Rosanna Roces (@iamrosannaroces) on

 

“Yung pagkawala sa akin ni Gab (ang gumising sa akin), pero tignan mo kasundo ko na ngayon si Jolo,” aniya. 

Kasabay ng pagkakaroon ng edad, ang pagpapatawad sa mga nakaalitan noon kabilang ang tatay ni Jolo at actor-politician na si Bong Revilla.

“Actually nakakarating sa akin (update) pero siguro tama lang na lumabas na si Senator Bong, nagdusa na din naman ‘yung tao ng ilang taon, si Jinggoy naka labas na... it’s about time,” sabi pa niya.

Dagdag ni Rosanna,  masaya siya ngayon sa kanyang simpleng buhay kasama ang kanyang mga apo at mahal sa buhay na unti-unting bumubuo ng kanilang mga pangarap.

“E kasi ‘pag nakita mo naman na maayos ang palaki sa apo mo, nag-aaral ng mabuti eh okay na sa akin ‘yun, yun lang naman hiniling ko kay Bong noon ang paaralin ang apo ko sa magandang paaralan.” 

Sa darating na Oktubre 15, mapapanood na ang Los Bastardos sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.