Nadine Lustre, umamin na dumaan sa matinding depression

Nadine Lustre, inamin ang pinagdaanang depression sa pagkamatay ng kapatid noong 2017.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/11/2018 8:48 AM
Nadine Lustre, umamin na dumaan sa matinding depression


Photo credit: @nadine on IG (L)

Sa ulat ng TV Patrol, inamin ni Nadine Lustre ang depression na pinagdaanan niya nang mag-suicide ang kanyang kapatid na si Isaiah noong 2017. “It was so hard for me. I would show everyone that I was okay even though deep down I was so depressed because of what happened to my brother and I was just holding it for so long.”

Pag-amin ni Nadine, nadepress din siya noong ginagawa niya ang On The Wings of Love. “When we were doing On the Wings of Love I was super depressed, I was so lost, like I just wanted to disappear. Being an actor, minsan nawawala ka na sa sarili mo.”

Pero hindi daw ito ang unang beses na na-depress si Nadine dahil nagsimula ang depression niya noong siya ay 13 years old.

Malaking tulong daw kay Nadine ang meditation at ang kanyang boyfriend na si James Reid. Lagi daw sa kanya sinasabi ni James na, “It’s okay to show vulnerability. It’s okay to show everyone that you’re sad. It’s normal. It’s not something to be ashamed of.”

Ayon kay Nadine, nagsasalita na siya ngayon dahil, “A lot of people look up to me. So that a lot of people will be like, ‘oh my God si Nadine, parang she’s okay to talk about it.’ People should not be ashamed of what they’re going through and all their sadness.” 

Isinusulong din ni Nadine ang mental health awareness.