Bea Alonzo natupad ang pangarap sa ‘First Love’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/11/2018 10:53 AM
Bea Alonzo natupad ang pangarap sa ‘First Love’


Dream come true para sa aktres na si Bea Alonzo na maging leading man si Aga Muhlach sa pelikulang First Love.

 

Kuwento ni Bea, hindi niya malilimutan ang unang eksena nila ni Aga kung saan abot abot ang kanyang naramdamang kaba.

“Naalala ko ito na yung eksena namin nagko-cross kami sa street ka eksena ko si Aga Muhlach. Yun ang pumako sa isip ko hindi ako si Ady! Oh my God nagpi-freak out ako si Aga Muhlach ka eksena ko!” sabi pa niya.

Ikinuwento din ni Bea ang unang phone call sa kanya ni Aga para i-alok sa kanya ang pelikula.

 

“’I have a project for us. Can I call you?’ Sabi ko sa driver ko, ‘Sandali, sandali tumigil ka! Tatawag si Aga Muhlach! (laughs) Oo talagang sinagot ko tapos sinubukan ko i-kalma ang sarili ko,” sabi pa ni Bea.

READ: Aga Muhlach at Bea Alonzo, ikinuwento kung paano natuloy ang first team-up nila sa 'First Love'

At bilang isang artist, nawalan na din noon ng pag-asa si Bea kung magkakasama pa sila ni Aga sa isang proyekto.

“Pangarap ko makatrabaho si Aga Muhlach. Akala ko hindi na ako magkakaroon ng chance kasi nakatrabaho na siya ng ibang mga babae sa generation ko. Sina Angelica (Panganiban), Angel (Locsin), Anne (Curtis). Akala ko hindi na siya mangyayari until siguro ngayon ang perfect time,” pahayag pa ni Bea.

Kasama din sina Edward Barber at Albie Casiño sa pelikula na ipalalabas sa October 17.