• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin puspusan na ang training para sa ‘The General’s Daughter’

Angel Locsin puspusan na ang training para sa ‘The General’s Daughter’

Maaskyon din ang ginagawang training ni Angel Locsin katuwang ang AFP.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/11/2018 11:03 AM
Angel Locsin puspusan na ang training para sa ‘The General’s Daughter’


Photo credit: @therealangellocsin (R)

Todo paghahanda na ngayon ang Kapamilya actress na si Angel Locsin para sa kanyang role sa The General’s Daughter.

Sa panayam kay Angel sa naganap na pirmahan ng MOU (Memorandum Of Understanding) ng AFP at ABS-CBN, ikinuwento ng aktres ang kanyang paghahanda para sa roles.

"Kasi inaayos pa ang mga permit, pero gumagawa talaga ako ng paraan like kung paano sa firing, 'yung character ko kasi part ng nurses’ corps, so hindi lang ako basta sundalo kundi kailangan ko din aralin 'yung military side, pati yung disiplina din talaga," sabi pa ng aktres.

Dahil sasabak sa pisikal na training, sinigurado din ng aktres na ligtas ang kanyang mga gagawin.

“Medyo risky, lahat naman ng ginagawa namin is risky pero mga professionals ang mga nag-guide sa ’tin. Hindi naman din tayo pinapabayaan. Actually sila pa ‘yung stop ng stop sa ’kin pero pag kaya ko go ako,” ani Angel.

Nagpasaalamat din ang aktres sa naging gabay ng AFP sa kanya na todo din ang asikaso sa kanya.

"They're very helpful, talagang napaka-patient nila sa atin. Ang mga nurse corps natin dito sa AFP binigyan talaga nila tayo ng oras kung paano ba nila inaalagaan ang mga sundalo natin na nagsakripisyo. Mayroon kami na parang pinakitaan kami ng totoo, 'yung realidad para maipakita din namin sa mga audience natin," pahayag pa niya.

Bukod kay Angel, bahagi din ng programa sina Maricel Soriano, Janice De Belen, Ryza Cenon, at Eula Valdez.