Rico J. Puno, babalik na sa Tawag ng Tanghalan

Rico J. Puno, magbabalik hurado sa Tawag ng Tanghalan matapos malagpasan ang panibagong pagsubok sa kalusugan

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/10/2018 10:07 AM
Rico J. Puno, babalik na sa Tawag ng Tanghalan


Sa ulat ng TV Patrol, nalagpasan muli diumano ni OPM icon Rico J. Puno ang isa na namang critical health condition. Ayon sa ulat, kamakailan lang ay naospital si Rico dahil sa komplikasyon ng diabetes sa puso.

Sumailalim din si Rico ng triple heart bypass noong 2015. 

READ: Rico J Puno to undergo open heart surgery

65 years old na ngayon si Rico. Aniya tungkol sa kondisyon niya ngayon, “may pacemaker na ako ngayon. Ang ganda pala nito pero very expensive. (Ito) yung nilalagay kay Iron Man.”

Pero hindi daw ang pacemaker ang dahilan kung bakit buhay pa si Rico, kundi ang Diyos. “But not because of that, but because of God, di sana wala ako dito,” sabi ni Rico.

Sa tulong ng mga kaibigan ni Rico, halos wala rin daw siyang ginastos para sa mga medical expenses niya. “Kung nakisama ka ng maganda, then… halos wala akong ginastos,” ani Rico.

Bilib din ang anak ni Rico sa kanya na si Tosca Puno. “Talagang he’s a fighter. God is so good. Sabi ko, ‘Papa, talagang ang bait bait ni Lord sa ’yo.’”

Nagbiro rin ang kaibgan ni Rico na si Hajji Alejandro, “Ang tawag ko dito hindi na total entertainer, but the survivor.”

Ayon sa ulat, magbabalik concert na si Rico at babalik rin siya bilang hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.”