• Home
  • Fresh Scoops
  • Ejay Falcon, ikinuwento kung gaano ka-strikto sa oras ang Korean production team

Ejay Falcon, ikinuwento kung gaano ka-strikto sa oras ang Korean production team

Kwento ni Ejay Falcon, gusto niya rin mag-audition sa ibang roles kung bibigyan ng pagkakataon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/10/2018 3:27 PM
Ejay Falcon, ikinuwento kung gaano ka-strikto sa oras ang Korean production team


Sa interview ng press nitong October 10, ikinuwento ng Kapamilya actor na si Ejay Falcon ang karanasan niya matapos maging guest actor sa sikat ng Korean drama na Where Stars Land. Ayon kay Ejay, sa sobrang higpit sa oras ng Korean productions, hindi siya nakapang-abot sa hotel para maligo gawa ng agarang call time.
 

 
“Nung una nangangapa ako, kasi pagka-land ko, pagdating ko doon ng mga four in the morning, sabi ko, ‘Pwede po bang mag-hotel para maligo?’ Wala raw kasi 6AM calltime ko, kailangan na akong kunan,” kwento ng aktor.
 
Biro ni Ejay, nagamit naman ang “walang ligo” look niya para sa karakter niya sa Where Stars Land. “So walang ligo, wala lahat. So sabi ko, sige gawin ko na. Buti na lang ‘yung role ko, depressed, hindi kagwapuhan, so sumakto siya, lapot-lapot,” natatawang kwento nito.
 
Dagdag ng Kapamilya actor, nag-aral at nagtanung-tanong siya kung paano magtrabaho sa produksyon sa Korea bago niya tinanggap ang role. “Pinakwento ko muna, and then tinanong ko muna kung papaano sila magtrabaho sa Korea kasi alam ko na ang daming differences like yung language barrier natin, so ang daming adjustment na gagawin ko. Kaya talagang nag-aral muna ako and kaunting research about K-dramas,” sabi ni Ejay.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Aji3๐Ÿ‘Œ๐Ÿผ @soobinms #iamnotarobot #wherethestarsland๐ŸŽฌ ๐Ÿ‘‰๐Ÿฝ #falconatincheon

A post shared by FALCON (@ejaythefalcon) on


 
READ: Ejay Falcon to appear in upcoming K-Drama ‘Where Stars Land’
 
Malaki ang pasasalamat ni Ejay sa management sa pagkapili sa kanya para sa role sa nasabing Korean drama. Sa sobrang mangha ni Ejay sa produksyon sa Korea, gusto niya pa raw mag-audition para sa iba. “Sabi ko nga nung nandun ako, ‘Baka pwede naman kung may role (pa) kayo mag-audition ako,’ kasi okay din talaga sa kanila, maganda magtrabaho sa kanila,” habol na kwento ng aktor.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#Kdrama Lee Je Hoon. #falconatincheon

A post shared by FALCON (@ejaythefalcon) on

 

WATCH: Ejay Falcon shares behind-the-scenes video of K-drama 'Where Stars Land'

Ipinalabas nitong October 9 ang nasabing episode ng Where Stars Land sa SBS Korea kung saan gumanap si Ejay Falcon bilang isang Pinoy na nag-fake ng kanyang passport para makita ang kanyang asawa na bagong panganak, na ginampanan naman ni Lauren Young.

 

 

WATCH: Ejay Falcon and Lauren Young's dramatic scene in K-drama 'Where Stars Land'