• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy De Leon di inaasahang makakasamang muli si Elisse Joson sa ABS-CBN Ball

McCoy De Leon di inaasahang makakasamang muli si Elisse Joson sa ABS-CBN Ball

Nagulat ang lahat nang si McCoy ang umalalay kay Elisse sa red carpet ng ABS-CBN Ball.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/1/2018 8:35 AM
McCoy De Leon di inaasahang makakasamang muli si Elisse Joson sa ABS-CBN Ball


 

Aminado si McCoy De Leon na di niya inaasahan na makakasama niya si Elisse Joson sa ABS-CBN Ball noong nakaraang Sabado, September 29. 

Kahit di man inamin na diretsahan na wala na ang kanilang love team, sinabi ni McCoy na noon lang silang nagkita muli ni Elisse. Nataon na ang Hashtag member ang umalalay sa aktres nang mahilo ito sa red carpet ng gabing iyon. 

"Wala po kami talagang plano na magkita. Ang sa 'kin naman siguro kaming dalawa lang ang nasa loob and ngayon lang pwede ko ba siya tanungin kung okay siya para samahan ako," sabi ni McCoy sa press.   

Honest naman na sinabi ni Elisse na meron pa rin silang dapat ayusin sa kanilang samahan. 

"Honestly hindi pa po kami nag-uusap about it. Siguro in time and lahat naman pwedeng maayos. Tulad nito pwede namin mapag-usapan lahat 'yan pero hindi ngayong gabi," paliwanag pa ng dalaga.  

Matatandaang noong April, inamin ni McCoy sa Magandang Buhay na nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan ng ka-tambal. Ngunit inaayos naman daw nila ang problema. 

Sa huling panayam naman ng ABS-CBN News kay Elisse, sinabi nitong hindi sila masyadong nagkakausap ni McCoy at busy sila sa kanilang solo projects. 

Noong isang taon, naghanda pa ng isang kilig 'date proposal' si McCoy kay Elisse para makasama niya sa Star Magic Ball. 

WATCH: McCoy de Leon, niyaya si Elisse Joson maging ka-date sa Star Magic Ball 2017

Nabuo ang love team na McLisse nang sumali ang dalawa sa Pinoy Big Brother season 7 noong 2016. 

Sa ngayon, magiging katambal ni McCoy si Charlie Dizon sa teleseryeng pagbibidahang nina Maymay Entrata at Edward Barber na Honey My Love So Sweet