Claudine Barretto, pumalag sa fake news

Claudine Barretto, pumalag sa fake news-Roselle Basbas
BY
Roselle Basbas

FRESH SCOOPS

01/09/2018 03:56 PM
Claudine Barretto, pumalag sa fake news
Photo credit: @claubarretto IG

 

Itinanggi ng aktres na si Claudine Barretto na may kinalaman siya sa balitang nag-viral sa social media noong isang linggo tungkol kay Mark Anthony Fernandez na naka-buntis umano ng dalawang babaeng pulis.  
 
Napabalitang sa kaniya nanggaling ang impormasyon nang nakapanayam di umano si Mario Dumaual.
 
Sa isang Instagram post nitong Martes, Enero 9, sinabi ni Claudine na ayaw na niya sanang patulan ang tsismis pero nais niyang linawin na hindi siya nagpaunlak ng panayam,
 
“Ayoko na san patulan tong malisyosong tsimis na ito, pero nainterview daw ako ni TITO MARYO DUMAWAL. FAKE NEWS PO ITO!! NEVER SPOKE TO TITO MARYO FOR YEARS. #notofakenews”