• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto ikinuwento kung paano nag-umpisa ang pagiging deboto ng poong Nazareno

Angeline Quinto ikinuwento kung paano nag-umpisa ang pagiging deboto ng poong Nazareno

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/9/2018 10:04 AM
Angeline Quinto ikinuwento kung paano nag-umpisa ang pagiging deboto ng poong Nazareno


 

Ngayong panahon ng kapistahan ng Itim na Nazareno ng Quiapo sa Maynila, dagsa na din ang libong mga deboto nito sa taunang Traslacion o ang pag puprusisyon na isa sa mga pamamaraan ng pananalagin ng mga deboto nito.

Ilang kilalang personalidad ang deboto din sa Nazareno ng Quiapo. Kabilang na fito ang singer na si Angeline Quinto.

 

Kuwento ni Angeline, nag-umpisa ang kanyang debosyon noong siya ay bata pa na kanyang natutunan sa kanyang Mama Bob.

"Actually nag-start siya kasi ‘di ba lumaki po ako ng Sampaloc? Ang Mama Bob ko, yung buong Street po namin sa Marzan, dati talagang mayroon po kaming imahe na every year dinadala po sa Quiapo church," sabi ni Angeline.

 

Dala na din ng katandaan ng kanyang Mama Bob na nagpalaki sa kanya, si Angeline na daw mismo nag tuloy ng pananampalataya nito para sa kanilang pamilya.

"Ngayon po na hindi na kaya ng Mama Bob ko ang mag-prusisyon ako na po nagtuloy na kahit wala doon ang Mama Bob ko ako yung pumupunta para sa kanya," dagdag pa ni Angeline.

Maituturing niya na regalo sa kanya nito ang ang kanyang tinatamasang kasikatan ngayon.

 

Kung paano nagsimula ang lahat. #StarPower #FirstAudition

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

 

"Honestly, madami po at hindi ko na kayang isa-isahin pero ang pinaka hindi ko makakalimutan na dinasal ko sa mahal na poon kasi bago ako sumali ng Star Power kasi, yun yung time na nagdasal ako ng magkaroon ako ng regular na trabaho sa pamamagitan ng pagkanta," ani pa ni Angeline.

Hindi din niya inasahan ang mayroon siya ngayon dahil naniniwala umano siya na galing ito sa Nazareno.

"Every Friday po noon and Sunday andoon po ako sa Quiapo nagdadasal hanggang sa dumating na nga po ang Star Power. Nag-try lang ako. Hindi ko naman expected na magtutuloy-tuloy so ayun po ang alam ko na galing talaga sa kanya," paliwanag pa ni Angeline.

At ngayong taon mas espesyal pa umano ang kanyang pagdasal sa poon ng Nazareno dahil sa bagong blessing na dumating sa kanilang tahanan.

Nagkaroon si Angeline ng life-sized na poon ng Nazareno na buong pusong na ibinigay ng isang fan para sa kanya.

 

"Sa totoo lang mayroon po akong kaibigan na maraming santo sa bahay, simula noong nanalo po ako sa Star Power palagi niyang sinasabi sakin na 'bakit hindi ka magpagawa ng sarili mong imahe ng mahal na poon?' Sabi ko, 'Gusto ko talaga pero darating yung time na may makikilala ako na magaling gumawa.' Yung ayaw ko sadyain para hanapin ko. Tapos isang araw hindi ko inasahan na ito na dumating na siya dito sa bahay."

Dahil sa mga pagkakaroon ni Angeline ng sariling imahe ng Poong Nazareno, aminado ito na mas magiging matibay pa ang kanyang pananalig sa Diyos.

"Siguro naging sign ito na mas naging mas matibay pa ang panalangin ko sa Kanya. Sa totoo lang kapag wala akong mapuntahan at gusto ko ng katahimikan pumupunta ako sa Quiapo doon lang ako kaya nga kilala na po ako ng mga guard doon e (laugh)," pahayag pa ni Angeline.

Aminado si Angeline na sa apat na taon niyang pakikipag siksikan para sa poong nazareno ay masasabi din niya na paraan ng kanyang pasasalamat sa mga biyaya na mayroon siya.

 

Maraming Salamat po Mahal na Poong Nazareno🙏 Thank you Makati Chapter. #BlackNazarene

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

 

"Hanggang kaya ko, itutuloy ko po. Kasi po kahit na marami ang nagsasabi na delikado, kasi kung yung faith mo talaga sa kanya e buong buo mawawala yung takot na iyun," pagtatapos na pahayag ni Angeline.