• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino inaming nalungkot sa paghihiwalay ni Erich Gonzales at Daniel Matsunaga

Kris Aquino inaming nalungkot sa paghihiwalay ni Erich Gonzales at Daniel Matsunaga

Bakit kaya sinabi ni Kris nagkaroon siya ng guilty feeling nang maghiwalay ang dalawa?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/8/2018 1:00 AM
Kris Aquino inaming nalungkot sa paghihiwalay ni Erich Gonzales at Daniel Matsunaga


 

Inamin ni Kris Aquino na ikinalungkot talaga niya noon ang paghihiwalay nina Erich Gonzales na itinuturing niyang bunsong kapatid at ng boyfriend nitong si Daniel Matsunaga. Sa morning show ni Kris noon na Kris TV nagsimula ang love affair nina Erich at Dan at si Kris ang naging tulay ng dalawa.

“Kami nga ang nagpakilala at nag-udyok-udyok. Kasi gustung-gusto sila ni Bimb, silang dalawa,” pagre-recall pa ni Kris sa pinagmulan ng Erich-Daniel love story.

Pagkatapos maghiwalay ng dalawa, nakaramdam din si Kris ng pagka-guilty.

“Oo, guilty!” sambit pa niya.

May regret ba siyang inireto niya si Erich kay Daniel?

Aniya, “My only mistake, was… kasi I told her follow your heart. And ang nakalimutan kong sabihin do’n is follow your heart but use your mind ha. Nakalimutan ko yung ‘use your mind,’ ang nasabi ko lang ‘follow your heart.’”

Ayaw namang magbigay ng detalye ni Kris o kumpirmahin na tungkol sa pera ang ugat ng hiwalayan ng dalawa.

“Alam mo, never ko kasing nakita yung bad side because the guy has always been kind to me, to Bimbs, yung sister ang bait, the mother, the brother-in-law, so hindi ko alam what went wrong sa kanila.

“But maybe talaga, it’s for them, silang dalawa talaga – baka clash of cultures, yung ganun and all that,” sabi pa ng Social Media Queen.

Patuloy pa ni Kris, “Naawa talaga ako sa kanya lalo na nung sinabi niya na hindi lang mayayaman ang nate-take advantage sa pera. Remember that, yung statement na yon?

“So for her, na she’s so private, para magsalita ng ganun, nasaktan talaga. Kasi hindi yon nagsasalita talaga. Four years nga sila ni Anthony (Ng) tahimik, eh.

“Pero ito talaga siguro, napuno. And the, I remember just telling her na, ‘One time big time lang yan, ha? Stop na ha, move-on tayo. At ang pinakaimportante, don’t let it make you ugly, dapat maganda ka’” payo pa raw niya kay Erich.

Maging ang pagtanggap ni Erich to pose sexy sa isang calendar ay isinangguni din daw ng aktres sa kanya.

“Ako yung nag-udyok na ano, kasi sabi niya, ‘Ate, gagawin ko ba yung calendar?’ Sabi ko, of course gawin mo.

“Kasi di ba, may pagka-born again, sabi ko, ‘Ano ka ba, wala ka namang ipapakitang ano. And sabi ko, when will you ever do that?

“Sabi ko, at 27 (years old) gawin mo na ngayon kesa mag-regret ka. Just think of it na itong kikitain mo ngayon bawal gastusin. Yon yung money na hindi niya gagalawin kasi para yon sa emergency fund niya.

“Pero kasi, si Erich magaling yan sa… Kasi her house, yung katabing lot kanya rin, hindi niya tinayuan. Kasi ang ano niya, tatayuan niya or build and sell or i-expand niya yung kanyang bahay,” huling pahayag ni Kris sa PUSH.