• Home
  • Fresh Scoops
  • Idinetalye ni Kris Aquino kung paano sila naging close ni Erich Gonzales.

Kris Aquino, gives Erich Gonzales’ ‘Siargao’ a perfect 5

Idinetalye ni Kris Aquino kung paano sila naging close ni Erich Gonzales.

Kris Aquino, gives Erich Gonzales’ ‘Siargao’ a perfect 5-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/06/2018 10:36 AM
Kris Aquino, gives Erich Gonzales’ ‘Siargao’ a perfect 5

 

Nagpa-block screening si Kris Aquino ng pelikulang Siargao sa Ayala Malls The 30th nung Thursday afternoon, January 4, para suportahan ang kaibigan niyang si Erich Gonzales na bida sa pelikulang idinirek naman ng inaanak niya sa kasal na si Paul Soriano.
 
Nagustuhan ni Kris ang Siargao at ayon sa kanya, perfect 5 (sa 5 na pinakamataas) ang rating na ibibigay niya sa pelikula dahil napakaganda ng cinematography nito at mahuhusay ang pag-arte ng mga artista at ang pagkakadirek ng pelikula.
 
Naka-relate din si Kris sa ilang eksena sa pelikula at may naalala raw siya tungkol sa past niya habang pinapanood ito.
 
“Gusto kong maiyak lalo na do’n sa tinatanong ni Erich kung ano ang favorite flavor niya ng popcorn. Tama yung tanong pero mali yung sagot. Basta may naalala ako don,” tila may hugot niyang pahayag.
 
Sabi namin, hindi kaya yung time na nasa Italy sila ni Herbert Bautista at nag-propose ito ng kasal for the second time ang naalala niya sa naturang eksena?
 
“Hahaha! Basta!” natatawang sagot ni Kris.
 
Anyway, after the block screening ay nag-invite pa si Kris sa kanyang bahay sa Greenmeadows para sa isang sumptuous merienda kasama rin si Erich. Sa kanyang bahay ay ikinuwento ni Kris sa ilang entertainment press kung paano nagsimula ang closeness nila ni Erich.
 
“Alam nyo kasi, she wasn’t ever on my radar yet but I remember my niece Gia and her mom, si Viel, naadik talaga sila sa Katorse. Sila talaga, must-watch nilang mag-nanay yon.
 
“And yung pamangkin ko na yon Poveda, and after Poveda, Philippine Science. Talagang na-ano. And si Viel, sabi niya, ‘She’s really good,’ ganyan-ganyan.
 
“And then, nung close na kami, ang nakita namin na talagang sobrang galing niya was with Two Wives nila ni Kaye Abad. Yon yung talagang nag-ano na siya, but more than yung pagiging actress, naging friend namin siya talaga, eh,” dire-diretso pa niyang kuwento sa PUSH.
 
Pahabol niya, “Kasi ang mommy niya nakatira sa Davao. Tapos yung ate niya nasa Japan. So parang nagka-bonding kami talaga.
 
“Tapos yung ate niya sinulatan pa ako to say na thank you for really treating her like a family. Yung ate talaga niya ang super ka-close ko talaga.”
 
Malaki rin daw ang tiwala niya kay Erich dahil kahit anong napapag-usapan nilang mga sikreto ay hindi naman lumalabas.
 
“Proven naman na lahat ng pinag-usapan namin walang lumabas ever,” reaksyon pa niya.
 
Close din si Erich sa anak ni Kris na si Bimby.
 
“Sila ni Bimbs, meron silang tightness talaga, kasi even before, na kunyari meron akong taping na out of town tapos magsusyuting, dadalaw yan talaga sa mga bata at magdadala ng food na silang tatlo lang.
 
“Alam mo yung mapi-feel mong genuine. What I like about her is hindi talaga siya fake.”
 
Hindi ba niya pinayuhang mag-business din si Erich tulad ng ginagawa niya ngayon?
 
Ani Kris, “Ayokong makialam don kasi meron pa siyang mga obligasyon sa family. Pero she’s not magastos, so marunong siya talagang mag-ano and maraming lupa na naipundar sa Davao,” rason ni Kris.
 
Samantala, palabas ang Siargao ngayon at nadagdagan pa ang mga sinehang pinagpapalabasan nito pagkatapos manalo ng second Best Picture sa 2017 Metro Manila Film Festival. Kasama rin sa pelikula si Jasmine Curtis at Jericho Rosales.