• Home
  • Fresh Scoops
  • Erich Gonzales, super-rich at naka-private plane kung dumalaw ang bagong manliligaw

Erich Gonzales, super-rich at naka-private plane kung dumalaw ang bagong manliligaw

Trabaho muna daw ang focus ni Erich Gonzales sa ngayon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/6/2018 10:40 AM
Erich Gonzales, super-rich at naka-private plane kung dumalaw ang bagong manliligaw


 

Close na close si Erich Gonzales sa Social Media at Online World Queen na si Kris Aquino. Sobrang na-appreciate din daw niya ang mga pagtatanggol sa kanya ng Ate Kris niya.
 
“I told ate nga na, don’t fight na. It’s not worth it naman. I mean, choose your battles, di ba? Parang, for me kasi, people will always have opinions or mga comments, di ba? Parang ganun.
 
“So for me, parang okey lang, it doesn’t really affect me na. Alam ko na, tanggap ko na, na parte talaga siya ng industriya, ng buhay at hindi mo yon maiiwasan.
 
“Pero sabi niya, ‘Hindi, you really have to fight and put them in their places sometimes,’ ganyan. Sabi niya, ‘Hindi, let me do it na lang.’ ‘O sige Ate, thank you, thank you,’” kuwento ni Erich sa PUSH.
 
Ayon pa kay Erich, hindi niya ini-expect na magpapa-block screening si Kris ng Metro Manila Film Festival movie niyang Siargao dahil alam niya kung gaano ito ka-busy.
 
“Sabi ko, ‘Ate, grabe naman.’ Alam ko, super busy rin siya, so di ba for her to take the time para mapanood yung movie namin, siyempre masaya and finally today nakita niya.
 
“Sobrang saya ko dahil nagustuhan niya yung pelikula namin. Super proud si ate sa mga achievements ko. Super nakakatuwa, ateng-ate talaga. Pamilyang-pamilya. I’m so blessed,” pahayag pa niya.
 
Eh, ano naman ang reaksyon niya sa pambubuking ni Kris na meron siyang manliligaw na kung dumalaw ay naka-private plane pa. Dagdag pa nga ni Kris, nasa top 20 sa pinakamayaman ang pamilya ng binata.
 
Natatawang reaksyon ni Erich, “Wala naman akong secret sa kanya. Wala naman akong itinatago.
 
“May mga willing maghintay, pero alam naman nila na hindi pa talaga ako ready sa ngayon.”
 
Patuloy ng dalaga, “Marami po tayong trabaho, so do’n talaga yung focus ko ngayon. Ayaw kong sayangin yung mga oportunidad na binibigay sa akin, so talagang, work-work talaga, hindi priority yung pag-ibig.”
 
Kaya ba niyang kontrolin ang pag-ibig?
 
“Makokontrol ko po yan. Hahaha!” sabay tawa niya nang malakas.
 
“May mga goals po tayo na gusto nating ma-achieve, so don muna po yung focus natin. Hehehe!
 
Samantala, maganda ang pasok ng 2018 kay Erich dahil meron siyang bagong teleserye sa ABS-CBN na Blood Sisters kung saan tatlong magkakaibang karakter ang kanyang ginagampanan.
 
“Hindi siya madali. Three times ng pagod mo, but sobrang maganda yung istorya. So siyempre, tayo naman palagi nating sinasabi at ginagawa yung best natin in every project na binibigay sa atin, so tulungan naman kaming lahat.
 
“Patapos na kami ng pilot, siyempre may effects yan kasi tatlong tao.
 
“Meron din tayong Significant Others by Direk Joel Lamangan with Lovi (Poe) and yung movie na prinodyus ko na action-suspense na We Will Not Die Tonight directed by Richard Somes. Hopefully this year, maipalabas lahat yon,” huling pahayag niya sa PUSH.