Robin Padilla, Piolo Pascual help in Marawi rehabilitation

Piolo Pascual will produce a film about Marawi City

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/5/2018 10:37 AM
Robin Padilla, Piolo Pascual help in Marawi rehabilitation


Photo credit: @robinhoodpadilla IG (L)

 

Sa ulat ng TV Patrol, patuloy diumano ang pagtulong ng mga artista katulad nina Robin Padilla at Piolo Pascual para makabangon muli ang Marawi City.

Kamakailan lang pumunta si Robin sa Marawi at nagpasalamat sa pamamagitan ng kanyang social media account sa mga taong patuloy ang pagtulong para makabangon ang nasabing lugar. Siya din ang tumanggap ng three million pesos na tulong mula sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya at iba pa para sa rehabilitasyon ng lugar. 

Isa naman sa tumulong para lumikom ng nasabing pondo ay si Piolo. Ani Piolo, “Continuous yun e. Hindi naman natapos yun sa isang donation lang e. Kumbaga, what we want to do is really give them something sustainable and to really support them sa livelihood nila.” 

Gusto din ni Piolo mabisita ang lugar. “Hopefully I want to get the chance na makabisita rin ako, para makita natin yung development saka yung mga ibi-build natin na mga bahay.”

Magpo-produce din si Piolo ng pelikula tungkol sa Marawi na idi-direk naman ni Bb. Joyce Bernal.