Ilang baby nga ba ang gusto ni Joel Cruz?

Ilang baby nga ba ang gusto ni Joel Cruz?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/03/2018 10:01 AM
Ilang baby nga ba ang gusto ni Joel Cruz?
Photo credit: @joelcruzaficionado IG (L)

Masaya at looking forward sa masaganang 2018 ang businessman na si Joel Cruz.

Kapiling ang kanyang mga anak, masayang ibinahagi ni Joel ang isa sa maituturing niyang panibagong blessing sa kanyang pamilya.

"June 28, 2018, it's a single pregnancy and ang wish ko sana twins din kasi triple twins na, e. Sad to say hindi naging twins and hindi ko pa alam kung ano din ang kanyang gender. Hopefully babae kasi dalawa lang yung babae ko," pahayag ni Joel.


Sa proseso ng invitro fertilization, muling madadagdagan ang lumalaking pamilya ni Joel.

Ganun pa man, nananatili pa din daw ang pantay-pantay na pagmamahal niya para sa kanyang mga anak na sina Prince Sean and Princess Syne, Prince Harry and Prince Harvey, at sina Prince Charles and Princess Charlotte.

"Minsan kasi may lalabas na paborito ka, kasi parang minsan mabait ito, ito ganito naman. Para sa akin kailangan ko ma-establish na fair lang talaga dapat ako sa lahat and na-realize ko na iba-iba lang talaga ang personality ng bawat anak ko," sabi ni Joel.

"Pantay pantay lang talaga dapat sila, wala dapat favorite and I believe naman na gagawin ko ito hanggang sa tumanda na sila. Tumanda ako ng wala akong paborito sa kanila," dagdag pa na pahayag ni Joel.

Pag-amin pa ni Joel na bukod sa expected baby na darating this 2018, nakaplano na siya na magdagdag pa ng isa pang set ng kambal.

"Si Olesia kasi yung isang surrogate, kumbaga parang fertile na siya. This is the right time na pwede na siyang mag-carry. Siya yung surrogate, siya yung magdadala for nine months. Naka-prepare na din yung fertilized embryo from me and yung sa mother talaga nila si Lilia kaya this December magkakaroon pa ulit ng additional and hopefully that's the last na," pahayag ni Joel.