• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano ang mga bagong Kapamilya shows na papanoorin ninyo ngayong 2018?

2018 Big Kapamilya teleseryes na dapat abangan

Ano ang mga bagong Kapamilya shows na papanoorin ninyo ngayong 2018?

2018 Big Kapamilya teleseryes na dapat abangan-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/03/2018 09:36 AM
2018 Big Kapamilya teleseryes na dapat abangan

 

Kapana-panabik ngayong 2018 ang mga bagong teleserye na aabangan ngayon sa kapamilya network.

Una na dito ang Asintado na pinagbibidahan ni Julia Montes.


Kakaibang Julia ang mapapanuod sa action drama na unang beses din na pakikipag-tandem ng aktres kay Aljur Abrenica.

Kasama din ni Julia sina Lorna Tolentino, Cherry Pie Picache, Paulo Avelino, at Shaina Magdayao. Kuwento ni Julia, kahit siya mismo ay excited na mapanuod ang kanyang pagbabalik telebisyon.

"Anytime soon, mapapanuod na po kami, nag te-taping na po kami at may bagong serye po kami, ang Asintado. I-aannounce po namin pero siguro next year pa po iyan. It’s more of suspense-drama, siyempre may love story and family drama pa din ito, pero I'm sure ibang Julia Montes po ang makikita niyo," ayon kay Julia sa isang interview noong 2017.

Sexy at palaban na Erich Gonzales naman ang nagbabalik telebisyon para sa Blood Sisters. Major transformation ang pinagdaanan ni Erich bilang paghahanda sa kanyang bagong show kung saan gagampanan niya ang tatlong katauhan.

 

Awwww...#JoChard

A post shared by Kate Valenzuela (@katieleytly) on

Balik tambalan naman sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa Sana Dalawa Ang Puso na mas kakikiligan pa dahil makakasama nila si Robin Padilla.

Ayon kay Robin, isa siya sa mga fan ng Jodi-Richard tandem kaya naman excited siya sa proyektong ito.

"Kahit kami naman ni Sir Chief nagkita-kita na kami. Nakakatuwa nga e kasi nang umugong yun na kinausap ako, ang kinausap ko agad si Sir Chief kasi tagahanga ako ng dalawang yun sa show nila tapos papasok ako, may papasok na malisyoso kaya medyo iba ang dating non kaya kinausap ko muna si Sir Chief.”

Isa din sa inaabangan ang fantaseryeng Bagani nina Liza Soberano at Enrique Gil na una nang naipakita sa Kapamilya Trade Show noong Disyembre.

Maraming netizen ang napahanga sa kakaibang look at costume ng Lizquen na labis na pinaghandaan.