McCoy De Leon nag-topless para sa isang proyekto

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/28/2018 10:29 AM
McCoy De Leon nag-topless para sa isang proyekto


 

Ang Hashtags member na si McCoy De Leon ay kasama sa pelikulang Instalado, isang Pinoy sci-fi movie tungkol sa isang tao na nabigyan ng kaalaman at talino sa tulong ng teknolohiya.

Simpleng tao lamang ang role ni McCoy na isang magsasaka na may mataas na pangarap sa buhay. Dito, pag-uusapan din ang isang eksena kung saan nag topless siya.

 

 

"First time ko po. First movie, first time na magpakita ng katawan pero yung eksenang yun sobrang tease lang iyon di naman sobrang sexy yun," masayang pahayag ni McCoy.

Kahit na nag-uumpisa pa lamang sa pag-explore ng kanyang acting career, thankful si McCoy sa tiwala na ibinigay sa kanya ng direktor na si Jason Paul Laxamana.

 

 

"Nakakatuwa po na ipinagkatiwala sa akin yung role kaya po ibinigay ko lahat dito at marami ako natutunan after ng movie na ito," ani ni McCoy.

Thankful din si McCoy sa magandang reviews na kanyang inaani sa kanyang pagganap sa The Good Son.

 

 

Sana palagi po kayo makanuod ng The Good Son :) #TGSNatunton

A post shared by Mccoy De Leon (@hashtag_mccoydl) on

 

Ayon kay McCoy, team work ang sikreto ng magandang rating ng kanilang teleserye. Aniya, hindi din isyu ang sapawan sa kanilang mga aktor na bida ng programa.

"Sa amin naman po ‘di namin naiisip yun dahil pare-pareho kami ng gusto na ipakita ang talent namin," pahayag ni McCoy.

Mapapanuod ang Instalado na kasama sa CineLokal sa piling sinehan ng SM Cinemas.