• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinuri ni Direk Joel Lamangan ang kakayahan nila Erich Gonzales at Lovi Poe bilang mga aktres.

EXCLUSIVE: Direk Joel Lamangan, idinitalye ang totoong nangyari sa sampalan nina Erich Gonzales at Lovi Poe

Pinuri ni Direk Joel Lamangan ang kakayahan nila Erich Gonzales at Lovi Poe bilang mga aktres.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/28/2018 09:51 AM
EXCLUSIVE: Direk Joel Lamangan, idinitalye ang totoong nangyari sa sampalan nina Erich Gonzales at Lovi Poe

 

Pinabulaanan ni Direk Joel Lamangan na merong isyu ng pag-iinarte si Erich Gonzales habang sinusyuting nila ang pelikulang The Significant Others ng Cineko Productions na ire-release ng Star Cinema sa February.

Ayon sa veteran at award-winning director, wala naman siyang na-encounter na problema kay Erich habang katrabaho niya ang Kapamilya actress.


“Okey naman siya. Kung anuman yung mga tsismis na yan about her, wala akong pakialam diyan. Sa set ko lahat sila behave,” paniniguro pa ng director.

Hirit pa niya, “Alam mo naman ang ninang mo, hindi puwede ang mga ganun, yung nag-iinarte.

“Kahit sinong artista sa set ko wala namang nag-iinarte, kasi ako ang pinakamaarte. Hahaha! Sine-say ko agad, ‘Hoy, ang arte-arte mo, tigilan mo yan ha!’”

Natanong din namin si Direk Joel tungkol sa nag-viral at pinag-usapang sampalan nina Erich at Lovi Poe na kuha sa syuting ng kanilang pelikula.

“Nagsampalan talaga sila. Totoo silang nagsampalan. Nagdugo ang kamay nung babae (Erich) kasi naipit yung daliri niya sa hikaw. Pero ang unang sumampal ng masama ay si Erich. Sinampal niya talaga, ang lakas, ‘Pak!’

“Akala ko talaga natanggal ang ulo ‘neng, pero hindi ko kina-cut. Gumanti naman si Lovi. Ang ganda-ganda ng eksena. Nagkapikunan, oo, pero nagkabati rin sila,” kuwento ni Direk Joel.

Eh, kumusta naman bilang aktres si Erich?

“She can act. She can really act. You just have to explain to her what you want and she can,” matipid niyang sagot.

Eh, how about Lovi?

“Si Lovi ang pinakamahusay. Very good… very good. She’s really the daughter of her father (Fernando Poe Jr.) kaya bow ako sa kanya,” sagot naman niya.

Maraming minentor na film directors na si Direk Joel na nabigyan na rin ng chance magdirek sa pelikula. Ang latest nga ay si Julius Alfonso na naging assistant director niya for almost 10 years at na director ng critically-acclaimed Metro Manila Film Fest movie na Deadma Walking.

Masayang inalala ni Direk Joel na sa dami ng directors na minentor niya ay hindi raw naman siya nakakalimutang pasalamatan ng mga ito.

“Oo, nagpapalasamat sila sa akin. Meron bang hindi nagpasalamat? Ay meron pala, hindi ko na lang sasabihin, hahaha!” sabay tawa niya nang malakas.

“Pero baka nakalimutan lang siguro. Ganun talaga, di ba?” huling sambit niya sa PUSH na natatawa pa rin.