Robin Padilla nagpapasalamat kay Sharon Cuneta sa pagbibigay-tulong nito sa Marawi

Robin Padilla nagpapasalamat kay Sharon Cuneta sa pagbibigay-tulong nito sa Marawi-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/27/2018 11:29 AM
Robin Padilla nagpapasalamat kay Sharon Cuneta sa pagbibigay-tulong nito sa Marawi

 

Isa ang aktor na si Robin Padilla sa mga kilalang tumutulong sa mga naging biktima ng kaguluhan sa Marawi.

Kasama ang ilan pang celebrities na nagbabahagi ng tulong, nagbigay update si Binoe sa kanilang proyekto para sa Marawi


 

 

Ika 31 ng Disyembre 2017

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

"Ang Marawi habangbuhay na iyan yung itinanim ng giyera doon. Sakit yan at damage habangbuhay kaya hindi na siguro ako aalis doon. Magiging address ko na siguro yun kaya kapag meron ako libreng araw pumupunta ako doon," sabi pa ni Robin.

 

 

 

I’ve been receiving lots of donations for Marawi. Since wala pang account and wala pa akong napipiling organization/s, so far donations in cash and check have had to be handed to me directly. I haven’t been feeling well kaya siguro I haven’t been sleeping well... But then I think this happens whenever I’m about to do a big concert! Pero kaka party for my birthday na may kantahan napaos ako! Ngee. Di bale happy naman ako! When I woke up from siesta kanina (Puyat again. Had about 3 hours of sleep lang.), this is what was handed to me. One of the most touching and meaningful donations I have ever received - because the envelope is from some of our kasambahay: Nilda, Yaya Irish of Miguel, Ya Fe and Yaya Cathy of Yellie and whoever needs her! And Jenny Red who works at Kiko’s Senate Office. Nakakaiyak! Thank you sa inyo! I Love you guys! Ang babait ng mga kasama ko sa bahay!!! At ni Jenny! Thank you talaga...๐Ÿ’–๐Ÿ˜Š๐Ÿค—๐Ÿ‘ฉ๐Ÿป‍๐Ÿ’ป๐Ÿ˜˜๐ŸŒท๐ŸŒบ๐Ÿ’•๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿ˜„ #weloveyoumarawi #shawieformarawi @robinhoodpadilla

A post shared by Coach:TheVoice.phActorSinger (@reallysharoncuneta) on

 

 

More for Marawi! Yippee!!! #weloveyoumarawi #shawieformarawi @robinhoodpadilla

A post shared by Coach:TheVoice.phActorSinger (@reallysharoncuneta) on

Ayon kay Robin, si Sharon Cuneta ay isa na ding instrumento sa pagtulong sa mga kababayan natin sa Marawi.

"Hindi mo maiiwasan na si Ma'am (Sharon Cuneta) ay magmalasakit din. Hindi pa man nangyayari yung Marawi, malapit na siya sa Mindanao. Nagkakampanya sila ni Senator Kiko (Kiko Pangilinan), talagang malapit sa kanya ang puso niya sa Mindanao."

Dagdag pa ni Robin, ayaw na ipasabi pa ni Megastar ang kanyang mga naitulong para sa mga biktima ng kaguluhan doon.

"Nagbigay na siya sa akin eh. Ayaw niya lang sabihin kung magkano pero magbibigay pa daw siya ulit. Ako naman eh nagpapasalamat kay Ma'am Sharon," pahayag pa ni Robin.

 

 

Sa ngalan ng nag iisang PANGINOONG MAYLIKHA ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin. Ang Tindig Marawi ay nagpapasalamat unang una sa Nag iisang PANGINOONG DIOS! Allah hu Akbar!!! Pangalawa ay kay ASEC FELIX CASTRO ng task force BANGON MARAWI, kay General Generoso Ponio commander ng Army Brigade sa Marawi City, kay Colonel Romeo Brawner ng Philippine Army, kay Marawi City mayor Majul Gadamra, sa lahat ng mga sibilyan na MARANAO at mga kristiano/muslim na mga sundalo na umalalay sa amin at nag alaga.Pangatlo ay sa staff ng Spring Films at kay ginang nadia montenegro na nagsilbi sa amin bilang camerawoman at direktor... Hero's Theme by Twin Musicom is licensed under a Creative Commons Attribution license (https://creativecommons.org/licenses/by/4.0/) Source: https://www.twinmusicom.org/song/280/heros-theme Artist: https://www.twinmusicom.org @marieltpadilla @vidanes_cm @direkbinibini @piolo_pascual @reallysharoncuneta @nahdare @karmipalafox @jamdramos @elgab18 @sittidjalia @vhongx44 @abscbn_corporation @praybeytbenjamin @teamrobinpadillaglobal @ricardopenson @remapohno @omengq @jackie_ianablir @wally_villanueva @pinkywebb @partystartersph @queeniepadillarevert @maisara_latiph @joseantoniolopez89 @joybedoy @4chinx @sindaw2013 @jugsjugsjugs @amormaclang Penny Disimban/ Dennis UY/ Junaid Doro/ Borgee Dalidig/ Afia Imam/ Langcap Mangata/ engineer AbdulRahman/ Mommy Pesigue "Omel" Macabando Basman

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Bukod sa pagtulong, isang pelikula ngayon na Marawi Project ang binubuo ni Robin Padilla kasama sina Direk Joyce Bernal at Piolo Pascual.