Kris ayaw patulan ang pambu-bully kay Bimby ng veteran broadcaster na si Jay Sonza

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/27/2018 01:25 PM
Kris ayaw patulan ang pambu-bully kay Bimby ng veteran broadcaster na si Jay Sonza
Photo credits to Jay Sonza Facebook and krisaquino IG

 

Ayon sa mga netizens, maituturing na cyberbullying at pamba-bash ang pinost ng veteran broadcaster na si Jay Sonza sa kanyang Facebook account noong January 24 patungkol sa mag-inang Kris at Bimby Aquino.

Post ni Jay sa FB niya, “Hindi alam kung matutuwa ako o malulungkot para sa Philippine media ngayon.


“Akalain mo, nadulas lang sa swimming pool iyong baklaing (huyangon ug panglawas) si Bimby, anak ni Kris Aquino sa pangatlong kinasama niyang lalaki, headline ng maraming himpilan ng radio at telebisyon!

“Samantalang iyong pagputok ng Mount Mayon na nagdudulot ng panganib sa halos 50k at iyong patuloy na pagdami ng namamamtay sa Dengvaxia wala o di kaya pahabol na istorya lang. what, when, where, why and how?"

Comment ng netizen na si  Carlo Padilla sa post ni Jay,  “Wow eh sino nga naman pala yong kinasama mo??? Akala mo di alam ng publiko? Pero who cares kung iisipin private life nyo yang mag partner! Napaka bastos mo pala??? Pati menor de edad na bata isasali mo! FYI. YOU ARE VERBALLY & EMOTIONALLY / PSYCHOLOGICALLY ABUSIVE TO A 10 YEARS OLD CHILD!”

Nananatiling tahimik naman ang Social Media at Online World Queen na si Kris sa patutsada sa kanila ng veteran broadcaster. Mas ginusto na lang nitong ipost ang quote from George Bernard Shaw

Never wrestle with pigs. You both get dirty and the pig likes it,” post ni Kris.

Dinugtungan pa niya ito ng, “"Pasensya na pero hindi ako pinalaki para makipagsapalaran sa kabastusan.”

Mas gusto na lang daw niyang isipin kung paano aayusin ang kinabukasan ng kanyang dalawang anak – Josh at Bimby – at pasalamatan ang mga kompanyang nagtitiwalang kunin siya bilang endorse.

I strive to earn an honest living, pay my 35% in income tax as a responsible citizen, share my blessings by opening more food outlets that will provide more jobs, continue supporting feeding & outreach programs under the missions of my Catholic Faith, and above all else be the best mother I can be.

My Mom didn’t raise me to just be a survivor, she raised me to be a deserving winner.  Kick me down, and time has taught me- someone in heaven just makes sure to strengthen my wings. #positivitywins" huling post ni Kris.