Joyce Bernal nagbigay ng update sa upcoming Marawi project kasama si Robin Padilla at Piolo Pascual

Joyce Bernal nagbigay ng update sa upcoming Marawi project kasama si Robin Padilla at Piolo Pascual-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/27/2018 11:16 AM
Joyce Bernal nagbigay ng update sa upcoming Marawi project kasama si Robin Padilla at Piolo Pascual

 

Aktibo ngayon ang blockbuster director na si Bb. Joyce Bernal para sa isang proyekto kasama si Robin Padilla at Piolo Pascual.

Isa kasi si Direk Joyce sa mga buong puso na nagbigay ng kanyang ideas para bumuo ng pelikula na umiikot sa tunay na buhay ng mga biktima ng giyera sa Marawi.


 

 

 

Sa ngalan ng nag iisang PANGINOONG MAYLIKHA ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin. Ang Tindig Marawi ay nagpapasalamat unang una sa Nag iisang PANGINOONG DIOS! Allah hu Akbar!!! Pangalawa ay kay ASEC FELIX CASTRO ng task force BANGON MARAWI, kay General Generoso Ponio commander ng Army Brigade sa Marawi City, kay Colonel Romeo Brawner ng Philippine Army, kay Marawi City mayor Majul Gadamra, sa lahat ng mga sibilyan na MARANAO at mga kristiano/muslim na mga sundalo na umalalay sa amin at nag alaga.Pangatlo ay sa staff ng Spring Films at kay ginang nadia montenegro na nagsilbi sa amin bilang camerawoman at direktor... Hero's Theme by Twin Musicom is licensed under a Creative Commons Attribution license (https://creativecommons.org/licenses/by/4.0/) Source: https://www.twinmusicom.org/song/280/heros-theme Artist: https://www.twinmusicom.org @marieltpadilla @vidanes_cm @direkbinibini @piolo_pascual @reallysharoncuneta @nahdare @karmipalafox @jamdramos @elgab18 @sittidjalia @vhongx44 @abscbn_corporation @praybeytbenjamin @teamrobinpadillaglobal @ricardopenson @remapohno @omengq @jackie_ianablir @wally_villanueva @pinkywebb @partystartersph @queeniepadillarevert @maisara_latiph @joseantoniolopez89 @joybedoy @4chinx @sindaw2013 @jugsjugsjugs @amormaclang Penny Disimban/ Dennis UY/ Junaid Doro/ Borgee Dalidig/ Afia Imam/ Langcap Mangata/ engineer AbdulRahman/ Mommy Pesigue "Omel" Macabando Basman

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Sa naging panayam na ito kay Direk Joyce, nagbigay ito ng update tungkol sa development ng kanilang pagpapabalik-balik sa Ground Zero ng Marawi City sa Mindanao.

 

"Yes so far tuloy," bungad ng direktor

Kuwento ni Direk Joyce, nais umano nila buksan ang proyekto sa mga intresado na magbida para dito. Pero sa ngayon, pina-plantsa muna nila ang magiging daloy ng kuwento.

 

 

"Yung auditions hindi pa namin ginagawa, kasi sobrang inayos ang character kasi doon ang pagbabasihan ng auditions namin," paliwanag ni Direk Joyce.

Ano naman ang magiging roles nina Robin at Piolo?

 

"Mayroon silang roles dito. Sila yung priority pero ino-open namin ang auditions sa lahat ng roles para makuha namin ang tamang tao," pahayag ni Direk Joyce.

Sa ngayon, siya bilang producer sa Meet Me In St. Gallen at direktor naman sa Miss Granny na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo.