• Home
  • Fresh Scoops
  • Billy Crawford malungkot na baka hindi maka-attend sa kasal niya ang parents

Billy Crawford malungkot na baka hindi maka-attend sa kasal niya ang parents

Ayon kay Billy Crawford, pipilitin nila ni Coleen Garcia na makapunta ang kanyang magulang sa US bago ang kanilang kasal.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/26/2018 9:56 AM
Billy Crawford malungkot na baka hindi maka-attend sa kasal niya ang parents


 

Umiiwas pa rin hanggang ngayon si Billy Crawford na ibigay ang exact date ng kasal nila ng girlfriend na si Coleen Garcia. Ang ina-assure lang ng singer-host ay ngayong 2018 ito mangyayari.

“Basta this year ako ikakasal. Yung date, not yet muna,” paiwas niyang pahayag.

Eh, how true na this summer gagawin ang wedding?

“Tingnan natin, tingnan natin. It’s January turning to Feb., so malapit-lapit na ang panahon. Preparations are almost done, it’s just the guest list na inaayos pa namin. Tulad nga ng reklamo ng lahat, magastos. Medyo mahirap lang talaga sa guest lists, yon yung mahirap, eh.

“We’re planning din kasi to do just a reception din dito sa Manila for the industry friends and families kasi ayoko ring may masaktan dahil pareho rin kaming nasa showbiz.

“Siyempre, ayaw naman naming… well, there’s a certain amount lang kasi kung saan kami magpapakasal and we want to keep it intimate din,” pagtatapat pa niya.

Ang friend ba niyang si Luis Manzano ang magiging best man?

“Non-showbiz po. Pero siyempre nandon si Luis, hindi mawawala si Lulu Boy,” sagot niya.

Malungkot namang ibinahagi ni Billy na baka hindi makarating ang parents niya na nasa ibang bansa sa kanyang kasal.

Ani Billy, “I’m not sure. Kasi both of them, medyo malala yung kalagayan nilang dalawa, so I don’t want to dwell and ayoko ring mapunta yung atensyon sa kanila. Actually, hindi sila pinayagan ng mga doctor.”

Pero pipilitin daw nila ni Coleen na puntahan ang kanyang parents sa Texas bago sila ikasal.

“Medyo sad, so baka kami ni Coleen ang umalis papunta sa kanila prior to our wedding out of respect din naman.

“Actually, kung talagang papipilian, I prefer them to come in, di ba? Pero kung hindi talaga kakayanin, wag pilitin. Baka kung ano pang mangyari, pagsisisihan ko pa,” katwiran ni Billy.

Napag-usapan na ba nila kung saan magha-honeymoon?

“Yon ang mahirap kasi may obligation din kami sa trabaho namin, hindi rin naman namin maiwanan. Actually, medyo marami-rami pa rin ang ongoing shows, so hindi kami makapasok ng schedule, siguro we will wait and plan it proper,” rason ng R&B singer.

Eh, ilan ba ang balak nilang maging anak?

“Hindi ko masabi. Pero sa totoo lang, siguro pangarap din ng lahat kung magkaroon sila ng boy and girl kaagad, quota na, maganda na yon. So we will try to see kung ano talaga ang ibibigay ng Panginoon sa amin. Girl or boy I’ll be happy,” huling pahayag niya sa PUSH.