• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Mr. and Mrs. Cruz’ director Sigrid Bernardo, susunod ba sa yapak ni Cathy Garcia Molina?

‘Mr. and Mrs. Cruz’ director Sigrid Bernardo, susunod ba sa yapak ni Cathy Garcia Molina?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/24/2018 11:02 AM
‘Mr. and Mrs. Cruz’ director Sigrid Bernardo, susunod ba sa yapak ni Cathy Garcia Molina?


 

Magkahalong emosyon ngayon ang nararamdaman ni director Sigrid Andrea Bernardo para sa pagbubukas sa sinehan ng Mr. and Mrs. Cruz ngayong January 25.

 

Si Sigrid ang direktor sa likod ng matagumpay na pelikulang Kita Kita na pinagbidahan nila Alessandra De Rossi at Empoy Marquez at umabot sa mahigit kumulang na 500 million pesos sa takilya.

Ibang artista naman ang makakasama ni Direk Sigrid para sa kanyang pelikula na Mr. and Mrs. Cruz na sina JC Santos at Ryza Cenon.

"I'm excited yet, kinakabahan ako lalo na sa premiere kasi doon mo makikita talaga yung reaction ng mga audience kung paano nila tatanggapin ang pelikula," panimula ni Direk Sigrid.

Aminado ang direktor na espesyal para sa kanya ang mga hugot movies na kanyang ginagawa.

"Feeling ko ang mga tao may kanya-kanyang hugot sa buhay, hindi lang natin ina-articulate. Dito naman sa akin lang talaga galing, sariling experience lang talaga yun," saad ng director.

Isa si Direk Sigrid sa mga pinagpipilian umano bilang susunod sa mga yapak ni Cathy Garcia Molina.

Read: Director Cathy Garcia-Molina clarifies ‘last film’ project

"Iba si Direk Cathy and I think bawat director may kanya kanyang estilo ng paggawa ng pelikula so sa tingin ko hindi ako susunod sa yapak kasi siya yun eh. Cathy Garcia Molina na siya and I can never be Cathy Garcia Molina so iba yung sa akin," paliwanag ni Direk Sigrid.

Sa ngayon, looking forward sa marami pang magagandang movie projects si Direk Sigrid.