• Home
  • Fresh Scoops
  • Coleen Garcia nagbigay kuwento ng paghahanda sa nalalapit na kasal nila ni Billy Crawford

Coleen Garcia nagbigay kuwento ng paghahanda sa nalalapit na kasal nila ni Billy Crawford

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/24/2018 9:58 AM
Coleen Garcia nagbigay kuwento ng paghahanda sa nalalapit na kasal nila ni Billy Crawford


 

Isa si Coleen Garcia sa mga naging importanteng bahagi ng teleseryeng Ikaw Lang ang Iibigin kung saan ginagampanan niya ang papel bilang si Isabel Reyes Villoria na kinaisan ng mga manunuod.

Ngayong magtatapos na ang kanilang teleserye, haharapin naman ni Coleen ang isa sa pinaka-importanteng role sa kanyang buhay bilang soon-to-be wife ni Billy Crawford.

Kuwento ni Coleen, hands-on man sila ni Billy sa detalye ng kanilang kasal sinisigurado naman daw nila na kalmado sila sa pag-aayos nito.

 

"I’ve been really relaxed and really chill with all of the preparations. I trust all of the people, all of the suppliers who are working on the wedding. Honestly I’m excited how it’s going to turn out because I pay attention to every single detail," sabi ni Coleen.

Matipid naman sa pagbibigay detalye si Coleen pagdating sa kasalan pero sinugurado daw nila ni Billy na makakarating ang lahat ng kanilang mga kaibigan sa kanilang special day.

 

💛

A post shared by Coleen Garcia (@coleen) on

 

"It's an intimate celebration with close friends and family and its going to be on a beach. We still will have a Manila reception for all those people who are not going to make it," kuwento pa ni Coleen.

 

Ayon pa kay Coleen dahil pribado ang kanilang kasalan, sisiguraduhin din daw nila ni Billy na ibabahagi pa din nila ang ilang detalye sa kanilang mga social media accounts.

 

"I think I’m going to share some tidbits like leading to the day, like now is too early," pahayag ni Coleen.

Sa ngayon, kasalukuyan tinatapos ni Coleen ang isang action movie kung saan makakasama niya sila Nathalie Hart at Xian Lim na malapit nang ipalabas sa mga sinehan.