• Home
  • Fresh Scoops
  • After two previous nominations, Allen Dizon wins as Best Actor in Dhaka International Film Festival for ‘Bomba’.

Allen Dizon wins another best actor award at Dhaka International Film Festival

After two previous nominations, Allen Dizon wins as Best Actor in Dhaka International Film Festival for ‘Bomba’.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/24/2018 09:43 AM
Allen Dizon wins another best actor award at Dhaka International Film Festival

 

Taong 2016 ay dumalo si Allen Dizon sa Dhaka International Film Festival kung saan kasali sa main competition ang pelikula niyang Sekyu at sa exhibition category naman ang award-winning film na Magkakabaung. Hindi siya pinalad na manalo bilang best actor that year.

Last year (2017) ay hindi ulit nakadalo si Allen kahit entry sa main competition ang movie niyang Lando at Bugoy. Ngunit hindi na naman siya nanalo sa naturang pelikula na ipinalabas din sa Cinemalaya film festival.


For the third time, pelikula ulit ni Allen ang entry ng Pilipinas sa Dhaka, ang Bomba (The Bomb). May time ngayon si Allen to join the entourage para umatend ng international film festival kung saan kasali sila sa main competition ng Asian section. And luckily, siya na ang nanalong Best Actor.

Masayang-masaya si Allen dahil full force ang suporta sa kanya ng Philippine Embassy in Dhaka headed by Ambassador Vicente Vivencio T. Bandillo. Nagpakita rin ng puwersa ang Pinoy community sa Bangladesh para i-cheer si Allen lalo na nang tawagin ang pangalan niya bilang winner ng best actor.

“Very Miss Universe ang peg kaya ang saya-saya. Inalay ni Allen ang award niya sa Filipino community bukod sa kanyang pamilya at kasamahan sa mga trabaho sa Bomba. Hayun picture-picture sila kay Allen while holding his trophy and certificate,” dagdag na balita sa amin ng manager ni Allen na si Dennis Evangelista.

Fifteen countries ang naglaban-laban sa Dhaka Int’l Filmfest. Kasama dito ang isang entry na nag-compete sa Karlovy Vary (one of the world’s A-List festivals). Isa ring entry ang galing sa Cannes International Critique section.

Nagsilbing jury naman ng festival ang USA, India, Norway, Bangladesh at Iran.

Samantala, bukod kay Allen ay nanalo na rin si Vilma Santos sa Dhaka Int’l Film Festival noong 2014 para sa pelikulang Ekstra ni direk Jeffrey Jeturian.

To date, Allen has 29 acting awards: 24 Best Actor, 4 Best Supporing Actor, and 1 Best Ensemble.

Sa listahang ito, pito ang kanyang international Best Actor award.

After manalo ng award ay naimbitahan din si Allen na mag-lecture sa Bangladesh Film and Television Academy sa Dhaka na dinaluhan ng mga aspiring actors.

Ibinahagi ni Allen how he started sa showbiz at an early age of 12 lalo na nung mga panahong nagmomodelo pa lang siya hanggang mabigyan ng break sa mga sexy films. Eventually, nakilala siya bilang award-winning and respected Filipino actor.