Feng Shui expert, hinulaang maaaring magkaanak si Anne Curtis ngayong 2018

Feng Shui expert, hinulaang maaaring magkaanak si Anne Curtis ngayong 2018-PUSH TEAM
BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

01/02/2018 02:33 PM
Feng Shui expert, hinulaang maaaring magkaanak si Anne Curtis ngayong 2018
Photo credit: @annecurtissmith IG

 

Sa pagpasok ng bagong taon na siya ring Year of the Dog sa Chinese calendar, nagbigay ng prediksyon ang Feng Shui expert na si Hanz Cua sa Umagang Kay Ganda. Ngayong taon, maaari na raw mabuntis si Anne Curtis na bagong kasal kay Erwan Heussaff.

Bukod sa kanya, iba’t ibang artista rin ang binigyan niya ng prediksyon katulad ng Ang Panday star na si Coco Martin. Ayon kay Hanz, "Very strong 'yung opportunity niya ngayong taon. May bago siyang chapter sa kanyang chart. Ibig sabihin something new. Puwedeng magpakasal na o magsisimula na ng pamilya.”


Si Vice Ganda naman na pinanganak sa Year of the Fire Dragon ay hindi muna dapat gumawa ng major decisions ngayong taon.

"Ang Fire Dragon ay may conflict for the year, not the year para mag-invest o gumawa ng mga major decisions," ani Hanz.

Sa bandang huli, pinaalalahanan naman niya na ito ay "patnubay lamang dahil sa atin pa rin nakasalalay ang ating tagumpay."