• Home
  • Fresh Scoops
  • Pia Wurtzbach at Gerald Anderson magsasama sa isang proyekto

Pia Wurtzbach at Gerald Anderson magsasama sa isang proyekto

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/18/2018 9:06 AM
Pia Wurtzbach at Gerald Anderson magsasama sa isang proyekto


 

Fresh mula sa kanyang bakasyon, game na game na nakipag-bonding si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa naganap na thanksgiving party ng Goya Chocolates na isa sa kanyang bagong endorsement.

Kuwento ni Pia, well-spent ang naging bakasyon niya sa Europe kasama ang kanyang pamilya at inspirasyon na si Marlon Stockinger.

"Masaya, masarap sa feeling yung Pia lang, yung pagpunta ko doon simple lang. Hindi ko kailangan mag-makeup, hindi ko kailangan mag-ayos, kasama ko lang yung family ko. Kaya ngayon I feel like I'm recharged, refreshed, and I'm ready to go back again for work," sabi ni Pia.

Kasabay naman ng kanyang pagbabalik trabaho ang labis na pasasalamat sa naging tagumpay ng kanyang pelikula kasama sina Vice Ganda at Daniel Padilla na Gandarrapiddo: The Revenger Squad.

 

Kilalanin si Kweenie sa #TheRevengerSquad ⚡️⚡️⚡️ #MMFF

A post shared by Pia Wurtzbach | Miss Universe (@piawurtzbach) on

 

 

Sa huling ulat, lumagpas na sa kalahating bilyon ang kinita ng pelikula na patuloy pa din ang pamamayagpag sa takilya.

Read: Vice Ganda sends 540 million thanks for the blockbuster success of 'The Revenger Squad'

"Actually ngayon ko lang nababalitaan yung naging success ng The Revenger Squad. Kasi ang huling nalaman ko lang is 400 million pa so mas mataas na pala ngayon. But I'm really happy and thankful kasi nakasama ako movie na ito. It's a great, great start for my career this 2018," ani pa ng beauty queen.

Isang bagong proyekto ang nakatakdang gawin ni Pia kung saan makakasama niya ang kapamilya actor na si Gerald Anderson.

Ayon pa kay Pia, ito ang unang beses na makikita din niya si Gerald kaya labis ang kanyang excitement para sa proyektong ito.

 

Friends #hercules #mansbestfriend

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

 

"I'm really excited. Magaling si Gerald, magaling siyang umarte. Napapanuod ko siya noon pa and hopefully may mga maituro siya sa akin," pahayag ni Pia.