• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla nagpasalamat sa mainit na pag-suporta sa ‘Pilipinas Got Talent’ Season 6

Robin Padilla nagpasalamat sa mainit na pag-suporta sa ‘Pilipinas Got Talent’ Season 6

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/14/2018 10:09 AM
Robin Padilla nagpasalamat sa mainit na pag-suporta sa ‘Pilipinas Got Talent’ Season 6


 

Labis na nagpapasalamat ngayon para sa mainit na pagtanggap ng mga manunuod si Robin Padilla, isa sa mga hurado ng nagbabalik na talent show na Pilipinas Got Talent Season 6.

Ayon sa inilabas na ratings ng pilot week ng programa, umabot sa mahigit 37 percent ang ratings nito noong Sabado (January 6 ) at 40.8 naman noong Linggo (January 7 ).

 

 

Last Saturday #PilipinasGotTalent • Thank you Kapamilya! @abscbnpgt

A post shared by Pilipinas Got Talent (@abscbnpgt) on

 

 

"Ako po siyempre, buong puso po ako nagpapasalamat sa mga kapamilya sapagkat napakalaki pong tagumpay ng aming Pilipinas Got Talent at kami po naman ay nangangako sa inyo na magpapatuloy po kami magbigay sa inyo ng kasiyahan, pagbibigay sa inyo ng mga talentong Pinoy, at higit sa lahat po katatawanan," pahayag ni Robin.

Bukod sa PGT season 6, isa din sa ipinagpapasalamat ni Binoe ang kanyang pagkakakabilang sa upcoming kapamilya teleserye na Sana Dalawa ang Puso kung saan makakasama niya sina Jodi Sta Maria at Richard Yap.

Aniya, focus muna siya dito bago tumanggap ng iba pang proyekto kabilang na ang muling paggawa ng pelikula.

"Teleserye na muna, kasi hindi ko naman kaya ang sabay-sabay. Siyempre may edad na din po tayo, hindi naman puwede sabay-sabay. Mag-concentrate muna tayo dito sa Sana Dalawa ang Puso. Pagkatapos nito pwede tayo siguro," paliwanag ni Robin.

Dahil naging usapan na din ang pelikula, kinompirma din ni Robin na hindi na siya makakasama sa proyekto ng pagsasa-pelikula ng mga tunay na pangyayari sa Marawi.

"Hindi ko alam kung magiging part ako ng pelikula, originally kasi ako yun. Pero yung ginawa nila yung research, ginawa nila yung pelikula kinausap ako ni Direk, kinausap kaming lahat na iba na yung bida. Sabi ko, 'Walang problema! Ang kailangan kasi naman dito ang pelikula e matuloy.' Yun ang vision-mission natin kaya tuloy pa din ang pelikula," pahayag ni Robin.