• Home
  • Fresh Scoops
  • Challenge para kay JC Santos ang kanyang New Year resolution.

EXCLUSIVE: JC Santos, dream role na maging historical figure

Challenge para kay JC Santos ang kanyang New Year resolution.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/14/2018 10:02 AM
EXCLUSIVE: JC Santos, dream role na maging historical figure
Photo credit to j.c.santos IG

 

Ayon sa lead actor ng Mr. and Mrs. Cruz na si JC Santos, malaki ang dapat niyang ipagpasalamat sa nagdaang 2017 dahil marami siyang blessings na natanggap.

“Blessed, sobrang blessed po ako. Ang daming naging project, career-wise ang daming nangyari sa akin, ang daming nagbukas, ang dami kong natutunan.


“Isa siyang… nag-open up siya sa akin sa maraming doors. Nagkaroon ako ng game show sa ABS. Nagkaroon ako ng sariling Wansapanataym na kaming dalawa ni Julia Montes. Nagkaroon ako ng pelikula sa Cinemalaya—Nabubulok saka yung kay Alessandra (de Rossi) na Sakaling Hindi Makarating. Tapos 100 Tula Para Kay Stella, ang dami pa po, it’s a blast and blessed,” pag-iisa-isa ni JC sa kanyang mga naging achievements noong 2017.

Eh, ano naman ang ini-expect niya sa 2018?

“Actually, career pa rin po. Focus pa rin sa career, saka sana may magawa pa akong mga ibang roles. Ang gusto ko po talagang maging historical figure. Hehehe!

“Gusto kong gumawa ng biographical film, sana kung meron. Kung may maisip po sila kay Macario at Sakay, puwede po ako don, gusto ko po yung mga ganun,” kuwento niya.

Natatawa ring ibinahagi rin ni JC kung ano ang kanyang New Year’s resolution.

“Ang New Year’s resolution ko po ngayon ay maging vegan (kumain ng puro gulay lang). Hindi na po ako kumakain ng karne. Nagsimula po itong influence na ito nung nagkaroon ako ng maraming friends sa Palawan. Kasi nga, we’re going to build a farm, and might as well gawin ko na rin yung ginagawa nila.

“Ngayon po, no dairy, eggs, wala na po. Puro gulay na lang po. It’s my second week now and I’m fine.

Bukod sa influence ng mga kaibigan, inamin din ni JC na trip din lang niya ang pagbe-vegan.

“Alam n’yo po, sabi ko, trip ko lang din talaga ito. Itsa-challenge ko lang ang sarili ko.

“Wala po akong advocacy or… Kung eventually po magiging advocacy na siya, then go. Gusto ko lang pong i-challenge ang sarili ko. Marami po akong mga ganyan, eh,” natatawa niyang pahayag sa PUSH.

Samantala, kapareha ni JC sa pelikulang Mr. and Mrs Cruz na prinodyus ng IdeaFirst para sa Viva Films si Ryza Cenon. Ipapalabas ang pelikulang idinirek ni Sigfrid Andrea Bernardo from the blockbuster film of 2017 na Kita Kita sa January 24.