• Home
  • Fresh Scoops
  • Sofia Andres on her launching movie with Diego Loyzaga: ‘Sana bigyan din po kami ng pagkakataon’
Sofia Andres on her launching movie with Diego Loyzaga: ‘Sana bigyan din po kami ng pagkakataon’
Aminado si Sofia Andres na kabado siya sa kanilang launching movie ni Diego Loyzaga.
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

1/13/2018 8:25 AM
Sofia Andres on her launching movie with Diego Loyzaga: ‘Sana bigyan din po kami ng pagkakataon’

 

Dahil sa mga tanong ng entertainment press kung ano ang mami-miss nina Sofia Andres at Diego Loyzaga sa teleseryeng Pusong Ligaw na natapos na nung Friday sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN, hindi nila maiwasang maging emosyonal.

“Kasi yung mga tanong n’yo. Siyempre, hindi namin maiwasang mapaisip at malungkot,” reaksyon ni Sofia.

Pero kahit nakaramdam sila ng sepanx, excited naman daw sila sa first movie bilang magka-love team, ang Mama’s Girl under Regal Entertainment na showing naman on January 17.

“At least, dire-diretso po kami. After ng teleserye, meron naman kaming pelikula,” dagdag pa ni Sofia.

“Kaya lang, sobrang nakakakaba po. Please po, tulungan n’yo kami sa Mama’s Girl,” pakiusap pa ng dalaga.

Isa pa raw sa nagpakaba sa kanila ni Diego ay makakatapat nila sa January 17 ang pelikula nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban.

“And hindi lang po yon, kasi marami ring mas sikat na love team kesa sa amin kaya we’re really trying our best na… (may mapatunayan), We know naman po that we can pero sana po bigyan din kami ng pagkakataon.

“Kabado po ako… Kasi ako yung ‘mama’s girl’ eh.  Either hit it or… alam n’yo yon? Basta prayers na lang po,” sambit pa niya.

Inamin din ni Diego na nakakaramdam talaga sila ng pressure.

“Of course, meron talaga, whether it comes from ABS-CBN or our families or even our fans, lagi naman. I mean, diamonds are made up of pressure, so if we turned out like diamonds, eh, di ang ganda,” reaksyon ng anak ni Cesar Montano.

Samantala, after Pusong Ligaw ay may kasunod na project na agad si Sofia sa ABS-CBN at ito ay ang Bagani. Hindi lang sure ng dalaga kung makakasama rin niya si Diego sa naturang proyekto.

Aniya, “Hindi ko pa po alam. Nagte-taping pa lang po kami. Pero I’m praying na makasama siya.”

Bukod kina Sofia at Diego ay kasama rin sa Mama’s Girl sina Sylvia Sanchez, Jameson Blake, Karen Reyes at marami pang iba. The movie is under the direction of Connie Macatuno.