Celine Dion remembers her duet with Jake Zyrus
Celine Dion calls Jake Zyrus ‘a big talent’
BY CRISTINA MALONZO
1/13/2018 9:51 AM
Celine Dion remembers her duet with Jake Zyrus

 

Sa ulat ng TV Patrol, humingi ng paumanhiin si Celine Dion dahil hindi natuloy ang concert niya sa bansa noong 2014. Ayon sa kay Celine, dahil diumano ito sa matinding karamdaman ng namayapang niyang asawa. “If I may apologize again to the fans. The fact that we had to cancel the tour, it was hard. But it was, I’m sure you understand…”

Sa unang pagkakataon ay pupunta si Celine sa bansa ngayong July 19, 2018 para ituloy na ang naudlot na concert.

Bilib din si Celine sa Pinoy talent. Hindi diumano malilimutan ni Celine ang naging duet nila noon ni Charice, na kilala na ngayon bilang Jake Zyrus. “My jaw is still dislocated. A big talent.”

Masaya din si Celine sa bagong buhay ni Jake. “I wish him the very best and I am very proud that I had given him the moment.”

Sa Mall of Asia arena gaganapin ang One Night Only concert ni Celine at magsisimula ang pagbenta ng tickets sa January 19.