• Home
  • Fresh Scoops
  • Katarina Rodriguez, papuntang Egypt para sa 2017 Miss Intercontinental pageant

Katarina Rodriguez, papuntang Egypt para sa 2017 Miss Intercontinental pageant

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/11/2018 8:44 AM
Katarina Rodriguez, papuntang Egypt para sa 2017 Miss Intercontinental pageant


Photo credit: @katarinarodri IG

 

Tumulak na papunta ng Egypt noong January 10 si 2017 Binibining Pilipinas Intercontinental Katarina Rodriguez upang subukan na sungkitin ang korona sa 2017 Intercontinental pageant.

 

 

Si Katarina ang huling Binibini queen sa 2017 batch na lalaban matapos ma-postpone ang Miss Intercontinental pageant na dapat gagawin noong Disyembre.

 

Kasama ang malalapit na kaibigan at kapamilya, inihatid si Katarina ng kanyang mga supporters sa paliparan.

Si Katarina ang ika-apat na Pinay beauty na sasabak sa Miss Intercontinental Pagent simula noong 2014.

 

 

Tatagal simula January 10 hanggang January 26 ang Miss Intercontinental pageant na gaganapin sa Sunrise Grand Select Crystal Bay sa Egypt.