• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Angel na challenging ang pagganap niya bilang Jacintha Magsaysay sa La Luna Sangre.

After La Luna Sangre, what’s next for Angel Locsin?

Aminado si Angel na challenging ang pagganap niya bilang Jacintha Magsaysay sa La Luna Sangre.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/11/2018 03:26 PM
After La Luna Sangre, what’s next for Angel Locsin?
Photo credit: @therealangellocsin IG

 

Mixed emotion ang naramdaman ni Angel Locsin sa kanyang pamamaalam bilang Jacintha Magsaysay sa teleseryeng La Luna Sangre.
 
Bukod sa pagiging isang markadong role, ito din ang maituturing na pagbabalik-tambalan nila ng dating kapareha na si Richard Gutierrez. 

 

Aminado si Angel na isa si Jacintha sa mga challenging roles na kanyang ginampanan. 

"Mami-mis ko si Jacintha. Isa siya sa pinaka-challenging at exciting role na nagawa ko sa buhay ko. Gusto ko yung hindi mo siya mabasa kung good or bad ba siya. For me Jacintha is a hero, ‘yung handa siyang i-sacrifice ang buhay niya para sa ikabubuti ng lahat," pahayag ni Angel sa aming interview sa set ng Pilipinas Got Talent season 6. 

 

⌛️ #LaLunaSangre #Jacintha

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

 

Thankful si Angel sa mga sumuporta sa kanya bilang Jacintha at sa show. 

"Ako’y nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa moonstone trilogy especially dito sa La Luna Sangre, sa story nina Kathryn and Daniel, kaya maraming, maraming salamat at sana patuloy ang maging suporta nila kasi madami pang magagandang mangyayari sa kanila," ani pa ni Angel.  

Namaalam man sa kanyang role bilang Jacintha, looking forward naman daw si Angel sa mga bagong paparating na proyekto, kabilang na ang kasisimula lang na PGT, pelikula kasama si Richard at isang teleserye.

"Yes may movie kami with Richard, dahil tapos na ang La Luna Sangre sa akin, baka may chance na kami na ituloy ito (movie). And new teleserye for 2018 naman," sabi ng aktres.