Paul Basinillo, ibinahagi ang paghahanda ng JaDine sa upcoming Revolution concert

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/10/2018 08:41 AM
Paul Basinillo, ibinahagi ang paghahanda ng JaDine sa upcoming Revolution concert
Photo credit: @james IG

 

Kasabay ng paghahanda ng pagbabalik concert ng JaDine, puspusan na din sa paghahanda ngayon ang concert director nito na si Paul Basinillo.

Si Direk Paul ang kilalang concert director ng mga hit concerts ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo at ng 2015 JaDine In Love Concert sa Araneta Coliseum.


Kuwento ni Direk Paul, busy ngayon ang JaDine sa pag-shoot ng mga videos bilang preparasyon sa Revolution concert sa darating na February 9.

Read: James Ried at Nadine Lustre, may bagong pasabog sa kanilang Valentine concert?

"Right now inuuna na namin ang mag-shoot ng videos na gagamitin for the concert. Aside from this, marami pang preparation kasi we want the concert to be different from two years ago na ginawa ng JaDine from JaDine In Love concert," sabi ni Direk Paul.

Aniya, very hands-on sina James at Nadine sa kanilang magiging performance.

 

 

"Very much, silang dalawa. They're discovering their skills as artists like what they did in the past. They're artists, endorsers, pero as Musicians ito yung feeling ko na they want to showcase their careers as singers and performers," ani ng director.

Dahil tumatak ang JaDine In Love Concert, sinugurado ni direk Paul na may mga hinahanda silang pasabog na dapat abangan ng JaDine Fans.

"Definitely mayroong mga pasabog kasi alam naman natin na they are both capable dancers also so we wanted them to have a concert which is capable for their performance and we designed the stage that is really close to their audience," saad pa nito.

Labis din umano na ikinatutuwa ni Direk Paul ang mainit na suporta ng JaDine fans para sa mga ideas na ibinabato ng mga ito sa kanilang social media accounts.

"Actually sa twitter feed nababasa namin na that their fans nga have a lot of requests since they saw the concert two years ago and naghahanap sila ng lyrical prod na sana daw e gawin ng JaDine. Pero we will try," pahayag ni Direk Paul.