• Home
  • Fresh Scoops
  • Thankful si Joanna Ampil dahil dumami nang muli ang mga sinehan na nagpapalabas ng “Ang Larawan.”

2017 MMFF Best Actress Joanna Ampil thanks those who helped promote “Ang Larawan”

Thankful si Joanna Ampil dahil dumami nang muli ang mga sinehan na nagpapalabas ng “Ang Larawan.”

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/01/2018 11:00 AM
2017 MMFF Best Actress Joanna Ampil thanks those who helped promote “Ang Larawan”

Thankful ang 2017 Metro Manila Film Festival Best Actress Joanna Ampil para sa pelikulang Ang Larawan.

 

 

"Siyempre masayang masaya kasi katabi ko ang mommy ko, yung daddy ko, yung mga kasama ko sa Ang Larawan and to share the moment with them is very special. Alam kong malaking parangal yun kaya ako umiyak," kwento ni Joanna sa thanksgiving press conference para sa kanya.

 

Dagdag ng 2017 MMFF Best Actress maituturing nila na bonus ang kanilang mga award na natanggap para sa Ang Larawan.

 

"I'm happy kasi yung pagod namin nag-pay off, yung sama ng loob, yung suffering, lahat yun nawala," saad pa ni Joanna patungkol sa isyung pinull out na sa ilang sinehan ang kanilang pelikula matapos ang ilang araw na pagpapalabas dito.  

 

Bukod sa Best Actress, humakot din ng iba pang awards ang Ang Larawan kabilang na ang Best Picture Best Musical Score at Best Production Design, na labis umanong pinagpasalamat ng lahat ng bumubuo ng produksyon nito.

 

Thankful din ang Ang Larawan cast para mga tumulong na mai-promote pa ang kanilang movie, kabilang na si Lea Salonga.

 

 

 

"I'm very very grateful of course, Hindi lang si Lea, marami din nag suporta sa amin, equally ang binibigay na support and yung mga nag-congratulate. It’s all for you guys, nang dahil sa kanila nadagdagan na ang mga sinehan namin," sabi pa ni Joanna.

 

Hindi man daw gaano ka aktibo ngayon sa local showbiz si Joanna, tuloy-tuloy lang daw ang pagtanggap niya ng proyekto kung may iniaalok para sa kanya.

 

"Yes tuloy-tuloy naman eh! Haha! Pag may offer naman nandito ako, so sana mas maraming offers this time around after what happened," masaya niyang komento.

 

Sa ngayon looking forward si Joanna sa mas marami pang moviegoers ang manood ng Ang Larawan bago ang pagtatapos ng film fest sa January 7.