Karen Davila, nagalingan sa impersonator na si Kaladkaren

Karen Davila reacts to the viral video of her impersonator Kaladkaren.

BY GARY ANN LASTRILLA

Instagram: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

9/9/2017 10:17 AM
Karen Davila, nagalingan sa impersonator na si Kaladkaren


Viral ngayon sa social media ang isang video kung saan gayang-gaya ng netizen ang pananalita at boses ng batikang newscaster na si Karen Davila.


Sa video na ipinost ni Miguel Tanchanco sa Facebook, tinatahak ng isang grupo ang batis habang nagkukwento si "Kaladkaren," ang ka-boses ng My Puhunan host. Aniya, ginagaya nila ang The Correspondents team.

Mabilis namang kumalat ang bidyo na pinick-up ng iba pang Facebook pages. Umabot naman sa mahigit 700,000 views ang orihinal na post kung kaya't hindi na nakakapagtakang umabot na rin ito kay Karen.

"Absolute good vibes! Ang galing niya!! Made me miss The Correspondents! Congrats Kaladkaren," ani Karen, ayon sa report ng ABS-CBN News.

Shinare at sinang-ayunan naman ito ng Bandila reporter at nagtweet ng, "ANG GALING MO (sic) "Kaladkaren.""