• Home
  • Fresh Scoops
  • Devon Seron, minsan nang nanghina ng loob sa kanyang showbiz career.

Devon Seron, napaiyak sa presscon ng ‘You With Me’ nang amining gusto na niyang mag-quit sa showbiz

Devon Seron, minsan nang nanghina ng loob sa kanyang showbiz career.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/09/2017 09:57 AM
Devon Seron, napaiyak sa presscon ng ‘You With Me’ nang amining gusto na niyang mag-quit sa showbiz

 

Naging emosyonal si Devon Seron nang humarap siya sa entertainment press sa kanyang solo presscon para sa Korean movie na You With Me nang tanungin siya kung totoo bang binalak na niyang mag-quit sa showbiz noon.

“Mga ilang beses na (gustong mag-quit). Kasi may mga times talaga na sobrang hirap po talaga na i-overcome yung mga personal issues lalo na mini-mix siya ng business (showbiz).


“Parang that time hindi pa ako sanay, so feeling ko pag times na wala akong work for a year, parang tingin ko na kailangan ko nang mag-give-up or magpalit ng ibang network, may ganun po. So, iniisip ko na lang po yung family ko kasi ako po ang breadwinner,” umiiyak na pahayag ni Devon.

Ang pagmamahal daw niya sa propesyon bilang aktres ang dahilan kung bakit nananatili pa siya sa showbiz hanggang ngayon.

“I love acting,” sambit niya. “Kahit hindi ako ganun pa kagaling, nararamdman ko po na marami pa akong dapat matutunan sa co-actors ko, sa karakters na pino-portray ko.

“Parang yon kasi yung time na nag-i-escape ako sa pagiging ako. So, masarap umarte kasi don nawawala yung personal issue ko, nawawala yung mga problema ko sa buhay,” sambit uli ng Star Magic artist na hindi pa rin mapigilan ang pagiging emosyonal.

Si Devon ang leading lady ng dalawang K-Drama actors na Jin Ju Hyung at Hyun Woo sa You With Me. Kumusta naman ang experience working with them?

Kuwento ni Devon, “First time ko po silang na-meet don sa meet and greet at photo shoot po namin dito nung dito po kami nagsyuting. Mababait po sila.

“Akala ko nga po snobbish sila, eh. Pero nung na-meet ko po sila, akala ko mahihirapan ako lalo na sa language kasi hindi nga po sila ano sa English, pero nung nag-photo shoot kami, parang wala na yon.

“Parang nabigla ako na naging close kami agad. Open sila, very gentleman. Ayaw nilang nahihirapan yung mga kasama nila sa work lalo na po yung leading lady nila. Inaalalayan po talaga nila ako,” pagde-describe pa ni Devon sa dalawang kapareha.

Eighty percent ng mga scenes ng pelikulang You With Me ay kinunan sa Korea. Ano ang mga natutunan habang nakikipagtrabaho sa Korean production?

“Iba po sila magsyut don. Example, pag ang call time namin is 8 a.m. dapat before 8 nandon na kami sa set lahat. Tapos lahat ng naka-line-up, talagang nagagawa namin.

“Ang maganda pa po don, kasi nakaalalay silang lahat kahit mapa-big star ka o hindi po, wala kang mararamdamang ganun sa kanila. Very maalalahanin sila, maalaga. Inaalalayan nila ako pag nahihirapan ako sa mga scenes kaya madali po akong nakapag-adjust doon,” pahayag ni Devon.

You With Me is directed by Rommel Ricafort under Gitana Productions. Palabas ang pelikula sa September 27.