• Home
  • Fresh Scoops
  • Dahil NBSB, nahirapan si Ritz Azul sa mga pakilig na scenes.

Ritz Azul, aminadong nahirapang makatrabaho si Paulo Avelino kesa kay Ejay Falcon

Dahil NBSB, nahirapan si Ritz Azul sa mga pakilig na scenes.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/08/2017 10:33 AM
Ritz Azul, aminadong nahirapang makatrabaho si Paulo Avelino kesa kay Ejay Falcon

 

Hindi maiwasang tanungin si Ritz Azul kung sino sa dalawang leading men niya sa The Promise of Forever na sina Ejay Falcon at Paulo Avelino ang type niya.

Ani Ritz, “Actually, ang hirap (pumili) kasi magkaiba sila talaga, eh. Si Paulo tahimik, si Ejay madaldal. Tapos ito (Paulo), mas close siya sa sarili niya, ito naman (Ejay), mas close siya sa akin, marami akong nalalaman about him. Contrast kasi sila, eh.


“Personally, gusto ko yung misteryoso. Ang hirap kasing sumagot pag NBSB (no boyfriend since birth) ka, eh,” natatawa niyang pahayag.

Eh, kung pagbabasehan ang itsura, kanino ba siya attracted sa dalawa?

“Sa physical gusto ko yung clean. Allergic ako sa may balbas, eh,” sagot ni Ritz

Di naman maiwasang mag-react din ni Ejay.

Sey niya, “May balbas lang ako dahil sa Probinsyano, pero clean talaga ako.”

Dagdag pa ni Ritz, “Ngayon kay Paulo ako kasi clean siya. Hehehe!”

Matagal ding nagsama sa taping sina Ejay, Ritz at Paulo at aminado ang bagong Kapamilya actress na na-intimidate siya nung mga unang araw na katrabaho niya ang dalawang Kapamilya actors.

“Actually, nung una nag-adjust ako kasi una, intimidated ako sa kanila parehas. Kasi ano, alam kong marunong silang umarte. Pero nag-adjust din sila sa akin kasi inalalayan din nila ako bilang baguhan ako.

“Alam nilang medyo hirap ako minsan sa pakilig na eksena. Don ako medyo nahihirapan kasi nga hindi pa ako nagka-boyfriend. So, nagpatulong ako sa kanilang dalawa kung paano. In fairness naman, tinulungan nila ako. Inalalayan nila ako,” kuwento ng dalaga.

Patuloy ni Ritz, “Honestly, nung umpisa kay Paulo, mga first taping days namin lalo sa Europe, sobrang tense ko. Ang tigas ng katawan ko, ng mukha ko, makikita mo sa kamera.

“Nasasabihan ako ng director minsan. Tapos ayun, kinausap ko si Paulo. ‘Tulungan mo naman ako, nahihirapan ako.’ Kasi tahimik si Paulo, tapos non nag-start na siyang magkuwento sa akin. Tinulungan niya ako kung paano mag-at ease.”

Ayon pa kay Ritz, mas nadalian siyang katrabaho si Ejay.

“Kasi open siya kaagad. Nung storycon pa lang sobrang ang dami na niyang kuwento. Sobrang nadalian ako,” lahad pa niya.

Ano ba ang na-realize niyang pagbabago mula sa dating TV network na pinagtrabahuhan at sa ABS-CBN kung saan siya nagwo-work ngayon?

“Don sa former station ko, palagay ko dito (ABS-CBN) mas ayos lang. Nung sa dati ko siguro nangangapa sila, hindi nila alam kung paano ang gagawin.

“Dito sa ABS, alam na nila kung paano. Siguro dahil sa experience din and alam na nila kung paano i-build yung isang artista. Noon merong paunti-unting workshop, pero siguro kulang lang ng proseso kung paano.

“Dito kasi, alam mong organisado na talaga. Alam na nila kung saan yung path mo at sa umpisa pa lang magmi-meeting na kayo at regular yung meeting, so alam nila ang gagawin sa iyo at kung saan ka mas komportable,” paliwanag ni Ritz.

Mapapanood ang The Promise of Forever sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN kapalit ng The Better Half.