• Home
  • Fresh Scoops
  • Sino kina DJ Chacha, DJ Jhai Ho, DJ Onse, DJ Bea at Ogie Diaz ang karapat-dapat hiranging Push Radio Personality?

PUSH AWARDS: DJ Chacha, DJ Jhai Ho, DJ Onse, DJ Bea at Ogie Diaz lalaban para sa Push Radio Personality

Sino kina DJ Chacha, DJ Jhai Ho, DJ Onse, DJ Bea at Ogie Diaz ang karapat-dapat hiranging Push Radio Personality?

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

09/08/2017 10:19 AM
PUSH AWARDS: DJ Chacha, DJ Jhai Ho, DJ Onse, DJ Bea at Ogie Diaz lalaban para sa Push Radio Personality

 

Si DJ Chacha, na kilala rin bilang “ang nag-iisang dyosa sa balat ng radyo,” ay si Czarina Marie Balba sa totoong buhay. Bukod sa mga pak na pak na love advice na binibigay niya sa kanyang mga callers, napapasaya din niya ang kanyang mga callers sa kanyang signature “Mwah mwah. Tsup, tsup” na lambing sa kanyang mga callers. 

Naging Pinoy Big Brother housemate din siya noong 2016 at nag-voluntary exit siya matapos niyang mamiss ang kanyang anak at ang kanyang pamilya. 


Si DJ Jhai Ho naman ay si Lord Jireh Nepomuceno in real life. Siya ay nagsimula bilang Jolina Magdangal fan at nangarap siyang maging mall show host at DJ para mapalapit sa kanyang mga idol na artista. Mass Communications graduate si Jhai Ho at dahil na rin sa kanyang pagsisikap, natupad ang kanyang pangarap na maging isang DJ at host ng mga showbiz events.

Isa na ring artista ngayon si DJ Jhai Ho. Nakilala din siya sa kanyang flaming red hair at nabansagang “Ang Pambansang Angry Bird ng Pilipinas.” Isa sa mga tintalakay niya bilang DJ ang mga showbiz chika.

Si DJ Onse Tolentino ay kilala rin bilang Paulo Avelino lookalike. Bukod sa kanyang pamosong kataga na “Akalain mo!” pinapasaya din niya ang kanyang mga taga-pakinig sa pamamagitan ng pagkanta. Kilala din siya bilang “nag-iisang pogi sa balat ng radyo, pogi as in poging bading!” 

Isa ding aktor si DJ Onse. Mapapanuod siya sa mga pelikulang 100, A Secret Affair at The Reunion. Nagbahagi din siya ng kwento ng kanyang buhay sa Dear MOR.

Kasali naman sa listahan ng mga magagandang DJ si DJ Bea. Ayon sa kanyang Facebook page, isa din siyang news reporter para sa MOR, DZMM Teleradyo Traffic Angel, writer at events host. Isa din siyang YouTuber, kasali na dito ang pagtuturo niya ng pagme-make-up sa kanyang mga followers. 

Kilala din DJ Bea sa kanyang malambing na boses at sa kanyang kakulitan. 

Isang kilalang komedyante naman si Ogie Diaz. Napamahal na siya sa puso ng masang Filipino dahil sa kanyang mga memorable roles na ginampanan sa pelikula at telebisyon.

Kilala rin siyang manager ng sikat na Kapamilya actress na si Liza Soberano. 

Bukod dito meron siyang radio show sa DZMM, ang OMJ, kung saan tumatalakay siya ng ganap sa mundo ng showbiz at kung saan nase-share din niya ang mga na nalalaman niya sa alaga niyang si Liza at ang ka-love team nito na si Enrique Gil.